"Heart"

1K 38 1
                                    


"Heart"

Napakunot noo ako ng makita ko na tumatawag siya. Bakit kaya?

"Hello?"

"I'll see you tonight."

"H..Ha?"

"Please."

"B..But.."

Binaba na niya ang tawag. Tiningnan ko ang cellphone ko at napailing nalang. Anong gagawin ko ngayon? Agad kong dinial ang number niya para malaman niya ito.

"Oh Joanna? Bakit napatawag ka?"

"Ate, uhm.."

Sasabihin ko ba? Hay. Wala naman na kong choice. Nangako kasi ako sakanya na tutulungan ko siya. Bahala na nga!

"Ate, pwede bang ikaw ang sumundo sakin sa school mamaya?"

"Ha? Bakit?"

"Sige na Ate. May ano..may..may na discover kasi ako na bagong bookstore malapit sa school. Gusto ko sana ipakita sayo. And sa gabi lang kasi medyo konti na yung tao."

"Ganun ba? Okay sige, sasabihin ko kaagad kay Papa."

"Thanks Ate! I love you."

"I love you too Joanna, see you later sissy."

Matapos ang pag-uusap namin ay agad kong kinuha ang gamit ko.

"Aalis ka na Joanna?"

Tumango naman ako sa mga kaklase ko.

"Oo. May aasikasuhin kasi ako."

"Okay sige. Bukas nalang natin gawin yung report ah?"

Ngumiti naman ako sakanila.

"Oo sige. Mauna na ko ah?"

Umalis na ko kaagad para gawin ang mission ko. Pumunta ako sa guard house para makita ang kaibigan kong guard.

"Kuya Edwin!"

"Oh Joanna? Bakit hingal na hingal ka?"

Ngumiti ako sakanya. "May hihingin po sana akong pabor sainyo eh."

"Ano naman yun?"

Nang magawa na ni Kuya Edwin ang hiniling kong pabor agad akong pumunta sa may labasan para hanapin ang mga kakailanganin ko. Bago pa man ako makalabas ng gate may bigla nalang nanghila sakin at dinala ako sa may gilid doon.

"Ano ba! Sino ka ba?"

"Shhh."

"Anong Shh? Sino ka ah? Tatawag ako ng pulis!"

"Pulis agad? Hindi ba pwedeng guard muna?"

Tinanggal niya ang suot niyang shades at cap. Nanlaki naman ang mata ko.

"A..Arkin?"

Ngumiti siya sakin. "Hi Joanna."

"Anong.."

"Nasa Japan palang kami alam ko na ang balak na gawin ni Kuya Elmo para kay Ate Julie. Tapos narinig ko pa siya kanina na tatawagan ka daw niya. Sure naman na may plano siya eh."

"Oh tapos? Anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako para tulungan ka."

"H..Ha?"

May nilabas siya sa bulsa niya. Isang papel.

"Sinulat ko na ang mga dapat nating gawin. Hindi alam ni Kuya na tutulungan kita. Alam mo naman kung gaano niya kamahal si Ate Julie. Siya lang ang kaligayahan ni Kuya at gusto ko naman na mapasaya si Kuya ko."

JuliElmo One Shots (All in One)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ