"Sore"

2.4K 76 3
                                    

"Sore"

Lord, I'm sore.

Dali dali akong pumunta sa bahay nila ng malaman ko na may masakit siyang nararamdaman. Kinabahan na ako.

"Oh, Elmo boy? Gabi na ah? Naparito ka?"

"Bibisitahin ko lang po sana si Julie."

Tumango naman siya.

"Nasa kwarto na niya. Sige na, umakyat ka na dun."

Tinapik ni Tito Jonathan ang likod ko. Umakyat na ko sa itaas. Tahimik na siguro natutulog na yung iba. Kumatok ako sa kwarto niya.

"M..Moe?"

Pumasok naman ako sa loob. Sinalat ko naman kaagad siya. Tiningnan ko kung may sugat siya o kung ano man.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?"

Napasimangot siya. Umupo siya sa kama. Lumuhod naman ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya.

"Masakit eh. Yung nangyari satin."

Napakamot ako sa ulo.

"Mawawala din naman yun eh. Tsaka sa una lang naman masakit."

"Eh masakit talaga. Bakit kasi natin nagawa yun?"

"Gusto mo din naman yung nangyari eh. "

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Mapilit ka kaya. Ayan tuloy ang sakit."

"Sorry na baby. Next time, mag-iingat na tayo."

Tiningnan niya ko. Pinaupo niya ko sa tabi niya. Sinunod ko naman yun.

"Next time pa talaga ah?"

"Oo naman. Di ka ba nasarapan kanina?"

"Nasarapan.." Kagat labi niyang sabi.

Nakakagigil naman nung ginawa niya yun. Parang gusto ko siyang halikan.

"Masarap naman talaga yun baby. Lalo na at kasama mo ko edi mas lalong masarap."

Nangigil siya sa pisngi ko.

"Ikaw talaga. Kapag inulit natin yun dapat mag-ingat na tayo ah? Baka mamaya iba na ang kalabasan ng ginagawa natin."

Tumango naman ako. "Yes baby."

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Sana palagi nalang tayong ganito noh?"

"Ang ano? Yung napapagod tapos magsasaya?"

Tumango naman siya. "Napagod ako sa trabaho kanina tapos napagod pa ko sa ginawa natin pero masaya naman tsaka masarap kaya ayos lang pero masakit pala talaga after effect."

"Sorry baby ah? Sana hindi nalang kita pinagod kanina edi sana hindi ka nakakaramdam ng sakit ngayon."

Ngumiti naman siya sakin.

"Okay lang baby. Diba sabi ko nga sayo, sana palagi nalang tayong ganito. Yung mag work tapos magsasaya ka after. Wala din akong pakialam kung mapagod tayo basta ikaw ang dahilan okay lang."

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Ako din. Gustong gusto kong napapagod kasama ka kasi kahit pa mapagod ako alam kong kasama kita. Hindi mo ko iiwan. Tayong dalawa lang."

"Oo naman. Tayong dalawa lang. Naisip ko nga yung mga times na napagod ako sa sitwasyon natin eh. Dapat kapag napapagod ka na sa isang bagay matuto ka namang magpahinga at huminga bago mo ituloy ang laban."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now