"My Guardian Angel"

10.2K 23 1
                                    

"Guardian Angel" ~ is an angel assigned to protect and guide a particular person.

Naniniwala ka ba sa anghel ? ..hindi lang basta bastang anghel ahh.. yung tinatawag nilang “ANGHEL DE LA GUARDIA” o mas kilala nating “GUARDIAN ANGEL” . Naniniwala ka ba na ang mga anghel ay may mission din dito sa lupa kahit hindi natin sila nakikita?. Pwede ba ma.INLOVE ang isang anghel sa isang mortal na tao ? Magawa kaya ng anghel ang kanyang mission lalo na kung ang mission niya ay ang taong mahal niya ?. At paano kung matutunan mo mahalin ang anghel na nangangalaga sayo ? pwede ba yun ? :P ..ito ang aking kwento..kwento ng pag-iibigan ng isang anghel at isang mortal na tao…

Ang buhay ko ay napaka simple lang..nagaaral ako ng mabuti para sa mga kapatid at magulang ko. Oo , masasabi ko na may kaya naman ang pamilya namin pero hindi naman kami ganun kayaman. Napagaaral naman kami ng mga magulang namin sa magandang eskwelahan. May negosyo din ang aming pamilya. Pero alam niyo ba na bago kami magkaroon ng masaganang buhay eh marami munang pinagdaanan ang aming pamilya …dumating ang araw na nalugi ang negosyo namin dati..at alam niyo ba kung ano ang dahilan..pinabagsak ng lolo ko ang negosyo namin. Noon kasi bago pa ikasal ang mga magulang ko tutol na ang lolo ko sa Papa namin ganun din ang magulang ng Mama ko tutol sila sa Papa ko. Pero dahil mahal nila ang isa’t isa hindi sila pumayag na mapaghiwalay sila ng mga toh kaya tinakwil sila ng mga magulang nila at namuhay sila ng magkasama…na hindi umaasa sa mga lolo at lola namin..lumaki kami na may takot sa Diyos at may disiplina sa sarili. Pero siyempre dahil ako ang panganay sa mga magkakapatid kailangan ko sila tulungan..kaya nagsisikap talaga ako.. ayyy oo nga pala nag kwento na ko ng napakahaba hindi pa pala ako nagpapakilala ako si Elmo Moses Magalona..tawagin niyo nalang akong Elmo o kaya naman Moe. At yun nga ang storya ng aking buhay…

Arkin : uiii , kuya ! ano bang ginagawa mo dyan .. sino ba ang kausap mo ? 
Elmo : ahh..wala naman…bakit may kailangan ka ba arkin ?
Arkin : wala naman..sinisigurado ko lang na ang kuya ko ay hindi baliw.
Elmo : grabe ka ..bakit mo naman naisip na baliw ang pogi mong kuya ?
Arkin : wow..kapal talaga ng kuya ko ..ehh kasi naman kuya nagsasalita ka dyan magisa wala ka namang kausap..
Elmo : meron kaya yung langit at mga bituin.
Arkin : halah..o sige kuya mag MOEment muna kayo ng langit at bituin mo. 
Elmo : tsktsk ! +tinulak si Arkin palabas ng kwarto niya+ ikaw talaga ark ! lumabas ka na nga iniistorbo mo lang ako.
Arkin : tssss….kuya ko baliw !
Elmo : isa !
Arkin : +tumakbo+ dalawa …tatlo…apat….lima…..
Elmo : ARKIN ! 
Arkin : :P 
Elmo’POV : Siya si Arkin…sumunod sakin..13 years old na siya ..makulit yung bata na yun pag tulog lang mabait..pero kahit gaano pa yan kakulit mahal ko yang kapatid ko..

May kumatok sa pintuan…

Voice : Kuya !!!
Elmo : +binuksan ang pinto+ ohh baby..
Clara : kuya gutom na ko…
Elmo : ahh…kaya naman pala ko tinatawag ng cute na cute naming baby kasi nagugutom na ..
Clara : kuya talaga ohh…hindi na ko baby.. 11 years old na ko..
Elmo : basta ! baby ka parin ni kuya Moe !!..
Clara : haiiist …kulit ng kuya moe ko ! pero sige na nga ! penge muna pagkain !!
Elmo : hahaha !! puro ka talaga pagkain..oo na sige na kakain na tayo ! maligo ka muna habang hinahanda ko yung pagkain..baho muna eh..
Clara : ansamahhh mo kuya ! susumbong kita kay Mama !!
Elmo : osige sumbong mo ko wala kang food.
Clara : ito naman hindi mabiro.. +lumabas na ng kwarto+ oo na maliligo na po !!..
Elmo : hahaha !! good !
Clara : yung pagkain ahh !!! 
Elmo : opo !!!
Elmo’POV : At siya naman si Clara..bunso namin ! 11 years old na siya..siya ang sumunod kay Arkin..hilig niya talaga ang kumain..hahaha !! ang lusog lusog talaga niya !! hahaha !!

Sa Langit…

Mahilig talaga ako maglaro…paano ba naman ang ganda ganda dito sa langit..tapos yung ulap akala mo cotton candy ! Ang saya saya maglaro..ang ganda ganda dito…lalo na yung dagat..napaka ganda at umaapaw ang asul nitong kulay..At ang mga ibon na lumilipad lipad sa paligid ..ang mababango na bulaklak na tila ba ay sumasayaw sa ihip ng malakas at masimoy na hangin…mga puno na may berdeng mga dahon…mga batang naglalaro sa paligid…ubod ng saya at pagmamahalan ang makikita mo sa lugar na ito..masaya ako at nandito ako sa tinatawag na paraiso ng buhay…Ako nga pala si Julie Anne..isa akong anghel..17 years old palang ako…sobrang saya ko na mapunta ako dito sa lugar na toh…halata naman sa mga kinukwento ko diba… :D sabi ni tagapagbantay napaka pilya ko daw kasi hilig ko talaga ang maglaro…ang saya kaya !! hehehe…

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now