"Daydream"

1.9K 47 0
                                    

"Daydream"

Malayo palang tanaw ko na kung saan niya ako dadalhin. Napaka ganda nga talaga nun. Tama ang sinabi niya. Tumingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

"Balon ka ba?"

Bigla siyang napatingin sakin.

"Ha? Anong sabi mo?"

Ngumiti ako sakanya. "Ang sabi ko balon ka ba?"

Napangiti na din siya. "Hindi bakit?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo."

Pareho kaming natawa. Nauna akong tumigil sa pagtawa. Pinapanuod ko lang siya.

"Oh? Bakit ka nakatingin sakin?"

Umiling ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig ito. Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko.

"Tandaan mo na nandito lang ako."

Tumango naman siya at hinalikan ang kamay ko. Tumingin muli siya sa labas ng bintana.

"Nandito na tayo."

Hindi muna niya ko pinalabas. Hinintay ko siya hanggang sa mabuksan ng pinto ng kotse. Lumabas ako.

"Gabi na. Ano bang gagawin natin dito?"

Hinawakan niya ang kamay ko at inakay sa paglalakad.

"Basta."

Sumunod nalang ako sakanya. Nang makarating kami sa may harap ng simbahan agad niyang binuksan yun. Una akong pumasok. Wala namang tao. Halos kandila ang dahilan kung bakit maliwanag dito.

"Moe?"

Tumingin ako sakanya. Nasa likod ko siya at titig na titig sakin.

"Anong ginagawa natin dito? Tapos na ang kasal ni Ate Saab diba?"

Pumunta siya sa harap ko. Ngumiti siya sakin.

"Moe?"

"Ms. Julie Anne San Jose."

Natawa naman ako bigla. "Ano ba Moses? Buong buo?"

Nakita ko na seryoso ang mukha niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"Ms. Julie Anne San Jose, alam mo ba kung bakit ka nandito?"

"Hmm. Actually hindi. May Mokong kasi na bigla nalang akong pinasundo sa driver nila at nakipagkita kung san banda para dalhin ako dito. Gusto lang pala niya magsimba pwede naman sa Manila pero mas gusto ata sa Baguio."

Ngiting ngiti kong sabi sakanya. Alam ko na nagpipigil siya ng tawa kasi kita ko yun sa mga labi niya. Pinipigilan niya lang yun.

"Dinala kita dito kasi gusto kong maglakad papunta sa altar."

Tumingin ako sa altar.

"Gusto mo lang pala maglakad, oh sige. Aantayin kita dito magdadasal muna ko dyan."

Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Gusto ko maglakad papunta sa altar ng kasama ka."

Nakatingin lang ako sa mata niya. Binabasa ko kung anong gusto niyang iparating. Humarap kaming pareho sa may altar. Sabay kaming lumakad. Magkahawak ang kamay. Nakatingin lang kami sa Panginoon na nakapako sa krus. Nang nasa tapat na kami tsaka kami tumigil. Humarap kami sa isa't isa.

"Ang sarap palang maglakad papunta sa altar ng kasama ka."

Napangiti naman ako. "Talaga?"

"Oo naman."

Tumingin ako sa paligid. Kamangha mangha ang kagandahan ng simbahan na ito.

"Ang ganda pumili nila Ate Saab ng simbahan. Sayang at hindi ako nakapunta. Kailangan ko kasi mag tech.reh."

"Hindi yun mahalaga. Ang mahalaga para sakin ay yung fact na nandito ka at kasama ko sa harap ng altar. Sa simbahan kung san kinasal ang kapatid ko."

"Ha? Bakit ba Moe? Hindi kita maintindihan."

Biglang may tunog ng piano akong narinig. Tumingin ako sa paligid. Nakita ko na may tumutugtog ng piano doon.

A Thousand Years.

"Moe? Anong.."

Bigla ko nalang naramdaman na may bulaklak na sa kamay ko. Tumalikod ako at nakita ko si Ate Saab na kasama ang asawa niya na nakangiti sakin.

"Ate?"

Hindi siya nagsalita. Tinuro nila ang mga taong isa isang umuupo. Mga malalapit lang sa amin. At nagulat ako ng makita ko si Mama at Papa. Si Joanne at Jac. Tumango sakin si Papa. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyayari ang tanging alam ko lang basta kasama ko si Moe hindi ako mapapahamak.

"Julie?"

Tumingin ako kay Elmo.

"Hindi ito kasal. Nandito lang tayo kasi gusto ko mangako sa harap ng Diyos kasama ka. Sa harap ng pamilya natin."

"Moe.."

"Ayokong isipin ang iba pang bagay. Mga bagay na gumugulo satin. Gusto ko tayo lang. Maging sa atin lang ang moment na ito."

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Kahit ano pa man ang gawin mo, susuportahan ko. Ganyan kita kamahal."

Nakatitig lang ako sakanya. Hindi kami nagsasalita. Lahat ng gusto naming sabihin dinaan namin sa pagtitig sa mata. Humarap kami sa Panginoon. Siya ang saksi ng pagmamahalan namin. Lahat ng pagsubok, lahat ng sakit at saya. Magkasama kaming haharap sakanya. Humarap kami sa isa't isa.

"Mahal kita."

Sabay namin sabi. Nilapit niya ang mukha niya sakin at tsaka ako hinalikan.

"Aww."

Biglang may nakatama sakin kasi may batang tumakbo. Nagising tuloy ako sa panaginip ko. Nananaginip nanaman ako ng gising. Hindi ko maiwasan ang pag-alala sa isang napaka gandang panaginip. Mangyayari din yun. Tumingin ako sa lalaking kanina pa nakatingin sakin. Ngumiti ako sakanya.

-------

"MOE!"

Tumingin ako kay Lauren. Nakangiti siya sakin.

"Lo?"

"Alam mo sa totoo lang ngayon ko lang narealize na totoo nga. Na tama nga sila."

"Ano yun?"

Huminga siya ng malalim bago magsalitang muli.

"Tama nga sila na mas bagay nga talaga kayo ni Julie Anne."

Napangiti ako. "Bakit ngayon mo lang narealize?"

"Kasi nung nakita ko siya."

Tumingin siya kay Janine.

"Nasabi ko sa sarili ko na mas tanggap ko kung si Julie ang kaagaw ko sayo. Haha! Mas kapanipaniwala na siya ang totoong mahal mo."

Inakbayan ko si Lauren.

"Salamat Lo."

"Welcome. Basta siya lang ah? Ayoko na ng iba. Mas tanggap ko siya kesa sakanya."

Napailing nalang ako. Bibalik ko ang pag-iisip ko sa dream wedding ko kasama ang taong mahal ko. Tumalikod ako at nakita ko sa isang sulok ang babaeng yun. Nagtama ang mata namin at ngumiti kami sa isa't isa.

"Hi Wife."

Bumulong siya.

"Hi Husband."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now