"Happiness"

1.3K 58 0
                                    

"Happiness"

"Mom? Mom?!"

Pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko na may kausap siya sa phone. Binaba niya ang tawag at tumingin sakin.

"Son, bakit?"

Lumapit ako sa may kama niya. Nilapag ko dun ang cellphone ko. Napakunot noo naman siya at lumapit dun para tingnan ito. Tumingin siya sakin.

"Is it true?"

"So alam mo na pala."

"So totoo nga yan, Mommy? You said, No?"

Pumunta siya sa may bintana. Tumingin siya dun.

"Yes, Son. I said, no."

Napabuntong hininga naman ako.

"Mom? Why? Bakit? Mommy naman eh. This is my chance. Ito na yung chance na matagal ko ng hinihintay."

"Anak, pinoprotektahan lang kita."

"From what? Saan mo ko pinoprotektahan, Mom?"

"Sa mga issues. Sa problema."

"Mom, hindi mawawala ang issues at problema. Palagi lang yan nandyan. Hindi yan mawawala. Bakit hindi mo ko hayaan na harapin ang mga problema na darating sakin? Lahat ng issues na ikakabit sakin."

Tumingin naman siya sakin.

"Mahal kita, anak. Alam ko ang mas makakabuti sayo."

"At ang ilayo ako sakanya ang solusyon? Mommy she needs me."

"And I need you to follow my orders."

Napatalikod ako sa inis. Nasabunutan ko din ang buhok ko sa sobrang pagkainis na nararamdaman ko ngayon.

"Mom! I'm a grown up now! Hindi na ko bata! I can decide for myself."

"At ano ang gusto mo mangyari? Ang madamay? Tahimik na at masaya ang buhay mo ngayon oh. Maayos ang career mo. Okay naman na lahat. Bakit mo pa gusto makisama sakanya?"

"Because I love her! She needs me. I need to protect her from all people, Mommy."

Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Son, dito ka nararapat. Sundin mo lang si Mommy magiging okay din naman ang lahat eh. Hindi ka ba masaya? Hindi ka ba namin napapasaya? Kulang pa ba ito?"

Napaupo ako sa kama. Nagsisimula ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"You always give the things that i don't deserve. Na kahit kelan hindi ko naman hiniling sainyo. You gave me too much happiness that sometimes it hurts me that I can't give the happiness of other people."

Tumingin ako sakanya.

"Tinatanong mo ko, Mommy kung kulang pa ba ito? Yes. Kulang ako kasi wala siya."

Tumayo ako at humakbang palayo palabas ng kwarto niya.

"She is my happiness, Mom. She is."

Bumaba ako at sumakay sa sasakyan ko. Nagmaneho ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang gusto kong makalayo. Gusto ko muna makalayo. Napatigil ako ng makita ko yung palagi naming pinupuntahan dito sa Antipolo. Makikita mo ang view ng city.

"I want my happiness back. I want her back. I want my yesterday back."

Napasandal ang ulo ko sa manibela. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Tok tok tok. Parang may kumakatok. Minulat ko ang mata ko. Gabi na. Tumingin ako sa bintana ko at laking gulat ko na nakatayo siya sa labas. Lumabas naman ako kaagad.

"You.."

"Akala ko kung napano ka na. Mabuti nalang at dito ka nagpunta. Alam mo ba na pinuntahan ko na lahat ng bar, condo, at kung ano anong lugar ang madalas mong puntahan?"

Hindi ko siya pinakinggan at niyakap ko siya bigla. Niyakap ko lang siya. Naramdaman ko na yumakap siya pabalik.

"Moe.."

"I'm weak. Hindi ko kayang ipaglaban ang meron tayo."

"Shh. Lumalaban ka alam ko. Hangga't mahal mo ko alam kong lumalaban ka."

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. Hinaplos ko ang mukha niya.

"You have no idea how much I want to be with you again, Julie."

"Moe.."

"I want to make you happy."

Nakita ko na naluluha na siya. Pinunasan ko na yun bago pa tumulo. Nilapit niya ang noo niya sa noo ko.

"And I want you to be happy."

Bulong niya sakin. Siya lang naman ang nagpapasaya sakin. Kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Ako dapat ang mag protekta sakanya eh. Dapat kasama niya ko pero nandito lang ako, palaging nakakulong sa buhay na hindi ko naman pinili. Nanatili kami doon. Sumandal ako sa kotse habang nakasandal naman siya sakin.

"Anong balak mo ngayon?"

"Hindi ko rin alam eh. Ang gusto ko lang ngayon eh makasama ka. Ayoko muna isipin yung mga bagay na nagpapahirap sa sitwasyon natin."

"Moe, kung iniisip mo yung sa buena, okay lang naman eh."

"Hindi okay yun. Yun na nga lang yung chance para makasama kita."

Humarap naman siya sakin.

"Gusto ko kung babalik ka sakin, yung wala ng issues. Yung wala ng problema na pwede nating ikapahamak. Gusto ko maayos na tayo. Okay ka na at okay na ko. Yung handa na tayong masaktan ulit kung saka sakali mang magkabalikan tayo. Hindi na tayo matatakot pa."

Ngumiti siya sakin. Pilit nalang akong ngumiti sakanya. Tahimik kaming pareho hanggang sa narinig ko siyang mag hum siya.

I'll never go far away from you..

Even the sky will tell you..

That I need you so..

For this all i know..

I'll never go far away from you..

Humawak siya sa balikat ko. Nagsayaw kami habang nag humming pa din siya. Nakatingin lang ako sa mata niya. Possible ba na mainlove ka sa isang tao ng paulit ulit?

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

Ngumiti siya. "Your Mom called me."

Napahinto naman ako dun.

"Mom called you?"

Tumango naman siya. "She told me that her son needs his happiness. Kaya heto. Nandito ako ngayon."

"But she.."

"Naiintindihan ko naman siya. I'm not mad. Basta ba hayaan niya lang tayo maging ganito. Kahit patago. Hayaan niya lang ako na mahalin ang anak niya, masaya na ko dun."

"Julie.."

"I love her son so much."

Napangiti naman ako dun. Binigyan ko siya ng halik sa labi. Magkakasama din kami. Naniniwala ako dun. Naniniwala ako tulad sa paniniwala ko na mahal namin ang isa't isa.

I'll never go far away from you..

Even the sky will tell you..

That I need you so..

For this all i know..

"I'll never go far away from you.."

At nakipag nose to nose ako sakanya.

"Stay with me and i promise to give you the happiness you deserve."

Ngumiti naman siya.

"Hindi mo na kailangan pang mangako, Moe."

"Hmm?"

Niyakap naman niya ko.

"Because you are. Baby you are, my happiness."

Oh God. Thank you for giving me my one of a kind happiness. Thank you for giving me the girl named Julie Anne San Jose.

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon