"Game"

10K 24 0
                                    

"Game."

Nagmadali akong pumunta sa bahay ng bestfriend ko. Ewan ko ba kung anong masamang espiritu ang sumapi sakanya at naisipan niyang gawin ito.

"Manang? Nasaan po si Magalona?"

Nakita kong natawa sakin si Manang. "Manang..."

"Ikaw talaga Julie, ano nanaman ang ginawa ng alaga ko? Haha. Nag away ba kayo?" Naalala ko na tuwing nagagalit ako kay Elmo tinatawag ko ito sa kanyang apelido.

Umiling ako. "Ihahampas ko lang po sakanya tong libro na hawak ko baka sakaling tumino siya bumabaluktot nanaman kasi ang pag iisip eh."

"Ikaw talaga. Hala siya umakyat ka na sa taas at nandun siya sa kwarto niya."

"Ahh Manang, ano pong ginagawa niya ngayon?"

"Sa tingin ko..." Nag isip si Manang. "Naglalaro ng NBA."

At dahil sa narinig ko mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko. Nagmadali akong umakyat papunta sakanyang kwarto. Sa labas palang naririnig ko na ang maingay na bagay na nagmumula sa kwarto niya. Kumatok ako pero hindi niya narinig kaya naman...

"Aaaaaaaaah!"

Nanlaki ang mata ni Elmo ng makita niyang sinipa ko ang pinto ng kwarto niya.

"Ju-julie?" Napabangon ito sa kama at dali daling lumayo sakin.

"Hoy! Bakit hindi ka pumapasok ha? Alam mo bang malapit ka ng ma Drop sa isa sa mga subjects natin? Ano nanaman ang nangyayari sayo!" At kumuha ako ng unan at pinagbabato siya.

"Ju-julie wait!! Let me explain!" Pag iwas niya.

"Let me explain? Anong let me explain? Paano mo maipapaliwanag sakin na dinamay mo ko sa mga pinag gagawa mo? Alam mo naman na ikaw ang partner ko sa project natin sa arts tapos ano? Hindi ka papasok? Ha!!!" Binato ko naman siya ng tsinelas.

"Waiiiiit!" Pumunta siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hiniga niya ko at dali daling pumatong sakin. Ano ba naman! Ang awkward kaya ng posisyon namin! To think na naka boxers lang siya at topless.

"Umalis ka nga Magalona!"

"Ayoko! Makinig ka na muna sakin."

"No way! Umalis ka na kundi uupakan kita!"

Mas lalo niya akong dinaganan. Sanay naman na kami sa ganito, sabay kasi kaming lumaki kaya ang mga ganitong bagay ay normal na sa aming dalawa.

"Tss. Julie makinig ka muna ok? Please naman, ipapaliwanag ko naman sayo lahat eh."

Nag iisip ako. "Oo na. Umalis ka na nga at ang sagwa lang tingnan."

Natawa siya at umalis sa pagkakapatong sakin. Tumayo siya at kinuha ang mga unan na nagkalat sa sahig. Kinuha din niya ang controller ng playstation niya tsaka humiga at nagsimulang maglaro ulit.

"Hoy Magalona! Ako ba niloloko mo talaga? Akala ko ba mag eexplain ka eh bakit naglaro ka?"

"Pwede naman mag explain habang naglalaro ah?" Nakangiting sabi ni Elmo.

"Tss."

Inabot niya sakin yung isang controller. "Laro tayo."

"Magalona!"

"Laro tayo tapos mag kukwento na ko ayos na?"

Kinuha ko yung controller. "Peste! Ang dami mo pang pinagsasabi hindi nalang magkwento."

"Haha. Relax ka lang Julie."

"Teka, wag mong idadahilan sakin na ito ang dahilan kung bakit busy ka at hindi pumapasok! Naku Magalona makikita mo uupakan talaga kita!"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon