"I Choose You"

2.8K 66 2
                                    

"I Choose You"

Nakatingin ako sakanya habang nagmamaneho siya. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang ngiti sakanyang labi.

"What?" Tumingin siya sakin.

"Why are you smiling?"

"Hmm. I'm just happy."

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yun ng mahigpit.

"Me too."

"Saan nga pala tayo pupunta?"

"Anywhere with you."

Mahina ko siyang pinalo sa braso niya.

"Ayos kasi eh."

Natawa naman siya. "Maayos naman kasi yun."

"Ewan ko sayo."

Humarap ako sa bintana. Narinig ko nalang ang pagtawa niya. Minsan hindi ko gusto ang pagka corny niya. Parang hindi kasi siya pero sabi nga niya sakin, lumalabas ang totoong siya kapag kasama niya ko. Sakin lang niya napapakita ang mga bagay na hindi pa nakikita ng mga tao. Nagulat nalang ako ng bigla siyang huminto. Tiningnan ko siya.

"Nandito na tayo."

Nakangiting sabi niya sakin sabay labas ng sasakyan. Hindi muna ko bumaba at pinagmasdan ko ang paligid kung nasaan kami. Nagulat ako ng bigla siyang kumatok sa may bintana. Tinatawag na niya ko. Lumabas ako.

"Anong lugar toh?"

"Ang totoo niyan hindi ko alam kung anong lugar ba ito. Ang alam ko lang maganda dito at tahimik lang."

"Parang wala namang maganda dito eh. Puro puno lang naman ang nandito. May mga bulaklak naman at kita ang mga building dito. Wala namang bago. Hindi naman ganun kaganda."

Bahagya siyang natawa.

"Maghintay ka kasi para makita mo talaga ang ganda ng lugar na ito."

Hindi nalang ako umimik at pinagbigyan ang gusto niya. May bench dun kaya umupo muna ko. 6:30pm na. Medyo madilim na. Nag cellphone muna ko. Siya? Nandun at nakatingin sa malayo. Pinabayaan ko nalang siya. Init na init na ko kasi naka gown pa ko. Lumipas pa ang ilang minuto at ng sobrang inip na inip na ko..

"Moe!"

Tumingin siya sakin. "Ohh?"

"Dinala mo ba ko dito para makita lang ang lugar na toh?"

Lumapit siya sakin. Umupo siya sa tabi ko.

"Maybe yes. Hmm. I have my reasons, Ja."

Nakatingin lang ako sakanya. Bakit ang gwapo nitong lalaking ito?

"I'm bored."

Hinubad niya ang coat niya at sinuot yun sakin. Napangiti nalang ako sa ginawa niya.

"Sige, habang naghihintay tayo..bakit hindi tayo magkwentuhan?"

"Kwentuhan?"

Tumango siya. "Yes. Matagal na tayong hindi nakakapagkwentuhan eh. Madalas kasi kapag magkatext tayo o nagkikita puro kamustahan lang, nagtatanungan kung busy ka na?, kumain ka na ba?, nakakatulog ka pa ba? Pwede ding..kaya mo pa ba?"

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa malayo. Totoo naman ang sinabi niya. Siguro kailangan muna namin kalimutan ang lahat at mag focus naman sa amin.

"Okay. Hmm..ano bang gusto mong malaman?"

"You tell me. Tell me a story."

Bahagya akong natawa at tumingin sakanya.

JuliElmo One Shots (All in One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα