"Paglilihi"

1.7K 59 0
                                    

"Paglilihi"

"Ate naman eh."

Natawa naman sakin si Ate Marian.

"Ayaw mo nun. Pagselosin natin ang baby mo."

Napabuga ako ng hangin. "Ate, hindi mo siya kilala magselos. Malalagot ako."

"Ayy naku baby girl. Ako ang bahala, okay?"

Naglakad na siya palayo. Hindi ko na siya napigilan sa gusto niya. Baka kung ano nalang ang gawin ni Ate Marian mamaya. Kinabahan tuloy ako. Lumabas na kami sa stage. Ito na.

"Dapat compressed tayo."

At dinikit niya ko kay Alden. Naiilang naman ako. Lalo na ng humawak siya sa likod ko. Masasapak talaga ako ni Elmo.

"My gosh, Julie. Nagalit ata yung mga fans niyo ng baby mo."

Napatingin naman ako sa tinuro ni Ate Marian. Nakita ko ang mga fans ko at may hawak silang banner ko at isa pang banner na si Elmo ang nandoon. Natawa nalang ako pero deep inside kinakabahan na ko sa sasabihin ni Elmo.

"Naku baby girl, nasobrahan ata ako."

"Hayaan mo na Ate. Hehe."

Pagkalabas namin ng stage kinausap ako ni Alden.

"Julie, sorry kung naiilang ka ah?"

Ngumiti lang ako sakanya. Hinila naman ni Ate Marian ang kamay ko.

"Julie.."

"Yes, Ate?"

Tumingin ako sakanya tapos ngumuso siya. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya. Oh my.

"Mosey!"

Lumapit si Ate Marian kay Elmo at kinurot ito sa pisngi.

"Ang gwapo gwapo mo talaga."

Nag pout naman si Elmo sakanya. Alam ko na nagseselos siya pero ang cute niye talaga eh. Kakainlove.

"Wag kang magagalit sa baby girl ko ah? Ginawa ko lang yun para makita kung magseselos ka."

"Hay. Hindi ako nagseselos."

"Weh? Abs mo, Elmo. Wag ako. So okay lang kung gawin ko ito?"

Kinuha niya ang kamay ko at ang kamay ni Alden at pinagdikit yun. Nakita ko naman na napasimangot si Elmo habang nakatingin sa kamay namin.

"Uhmm..Ate."

Bumitaw ako kaagad. Baka maging dragon na siya.

"Hon? Ano nanaman yan? Inaasar mo nanaman itong si SuperElmo."

Lumapit si Kuya Dingdong at inakbayan si Elmo.

"Wag kang mag-alala, Elmo. Pinagseselos ka ni Ate Marian mo kay Alden? Sige. Puntahan natin si Janine."

Akmang aakayin niya si Elmo ng hinawakan ko ang kamay ng boyfriend ko.

"Kuya.."

Natawa naman si Kuya Dingdong.

"Joke lang, Julie. Alam ko na mas selosa ka."

Ngumiti lang ako. Inakay na niya si Ate Marian.

"Love you, Mosey! JuliElmo pa din."

Kaming tatlo nalang ang naiwan. Tumingin si Elmo kay Alden.

"Uhm. Bro. Wala lang yun. Wala din akong alam sa ginawa ni Ate Marian."

"Okay lang basta Alden, trabaho lang ang ginagawa ng girlfriend ko."

Tumango naman siya at ngumiti sakin.

"Pangako, trabaho lang. Sige, una na ko."

Umalis naman na si Alden. Lumapit ako kay Elmo at humawak sa bewang niya. Pinaharap lo siya sakin.

"Baby.."

"Ayoko ng away kaya papalampasin ko ito. Hindi ko din masisiguro na hindi na mauulit ito. Alam mo naman si Ate Marian. Buntis at tayo ang pinaglilihan. Ang hilig niyang mang-asar."

"Sorry baby ah?"

Humawak siya sa likod ko at nilapit sakanya.

"Sige na baby."

Aalis na sana kami pero nararamdaman ko na hindi parin siya kumportable. Hinila ko siya ng sobrang lakas at hinapit ang kwelyo niya. Hinalikan ko siya ng ubod ng tamis.

"Ikaw lang ang mahal ko. Itanong mo pa sa fans ko."

Napangiti naman siya. "Dapat lang dahil ikaw lang din ang mahal ko."

Magkahawak kamay kaming naglakad.

"Baby, pwede ba kapag nabuntis ka wag mo kong masyadong pahirapan sa paglilihi mo?"

Natawa naman ako. "Haha. Bakit naman?"

"Baka magaya ka kay Ate Marian eh."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Tumigil kami sa paglalakad. Oras na para maging playful.

"Kung maglilihi man ako simple lang ang hihilingin ko sayo."

"Ano naman yun?"

Ngumiti ako ng wagas tska nagbigay ng nakakalokong ngiti.

"I want you, TOPLESS."

Nagulat siya nung una pero ngumisi naman siya.

"Okay baby. Don't worry. I'll be naked whole day."

Napaisip naman ako. Ang sabi ko topless tapos siya naked?

"Moe?"

Hinalikan niya ko. "I love you, SuperGirl"

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now