"String"

1.1K 44 0
                                    


"String"

"Julie, pwede ka muna mag ikot ikot. May babalikan kasi kami sa hotel. Kailangan na namin ma edit ito. Mag enjoy ka muna tutal mamaya uuwi na tayo."

Ngumiti naman ako sa sinabi ng isang staff ng Day Off. Pumunta ako sa labas at naglakad lakad. Tiningnan ko ang paligid. Ang ganda. Medyo malamig kaya nag coat ako. Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa paligid ko. Kinuha ko ang cellphone ko at naglagay ng earphone sa tenga ko. Umupo muna ko sa may bench doon.

Nag browse ako ng mga kung ano ano sa cellphone ko. Tiningan ko kung ano na ang nangyayari sa adiks world.

I saw you from a distance

Out the corner of my eye

Your hair is shiny and bright

You're the prettiest girl I've ever seen around

I saw you from a distance

You made me wanna smile

Your face is cute and beautiful

You're the only girl that stands out in the crowd

Napatingin ako sa taong tumabi sakin. Kumanta siya bigla kaya napatingin ako sakanya. Naka side view siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Isa siyang lalaki. May daladala siyang gitara. Nakatingin lang ako sakanya at napatulala ako ng lumingon siya sakin. Ngumiti naman siya kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

I hope you'll notice me sometime

I hope you be with me, be mine

You're everything, you're my sunshine

Oh oh oh..

E..Elmo? Tama ba ang nakikita ko? Hindi ba ko nananaginip? Elmo? As in Elmo Magalona na minahal ko? Fuck. This can't be. Tumayo ako at naglakad. Bigla ko siyang narinig.

"Don't go. I have one reason and one reason only. Kaya ako nandito."

Napatigil ako sa paglalakad. Kinakabahan ako. Hindi ko din alam kung bakit. Unti unti kong nararamdaman na palapit siya ng palapit sakin. Nakita ko nalang na nasa harap ko na siya.

And if you smile at me

You would make my heart start racing

And it's clear to see you're so amazing..

Hinawakan niya ang kamay ko. Nangingig ako. Nanlalamig ang kamay ko. Nakatingin lang ako sakanya. Lumapit siya sakin. Sobrang magkalapit na kami. Dahil mas matangkad siya sakin nakatingala ako sakanya.

Cause I've been struck by lightning, lightning

And it's frightening, frightening

I don't ever think I'll be the same again..

You're my princess, my girl

I'm once a princess. I'm once his girl.

You're my interest, my world

I'm once his interest. I'm once his world.

"You mean everything, everything to me."

Nakatingin lang ako sakanya. Tinanggal niya ang shades niya. Parang bumagsak naman ang puso ko sa lapag. Bakit sobrang naging gwapo ang lalaking ito? Ganito ba ang nagagawa ng paglipat ng network?

"Julie? Hey."

Napabalik ako sa pag-iisip ko. Nagsasalita pala siya? Bigla niya kong nginitian kaya napaatras ako.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now