"TV"

1.2K 41 2
                                    


"TV"

Maaga akong nagising para mag jogging. Naging routine ko na siya every morning since wala din naman akong masyadong ginagawa ngayon. Habang tumatakbo ako ramdam ko ang lamig na tumatama sa balat ko. Isang oras din akong tumatakbo ng maisipan kong bumalik na sa unit ko. Nagpunas ako ng pawis at umupo sa couch. Binuksan ko ang TV para manuod. Tumayo ako kasi nauuhaw na ko.

Just One Summer mamaya na!

Bigla akong napatakbo papunta sa sala ng marinig ko yun. Too late, hindi ko na naabutan.

"Totoo? Ipapalabas nila yun?"

Kinuha ko ang cellphone ko sabay upo sa couch. Sigurado ako na kapag may gusto akong malaman tungkol sakin at sakanya? Fans palang namin updated ka na kaagad sa balita.

"So totoo nga.."

Nasabi ko nalang after kong mabasa ang mga tweets nila. Napangiti nalang ako habang napapailing. Hindi na sila nagbago. Humiga muna ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Target? Anong target pinagsasabi mo?"

Nagising ako ng marinig ko yun. Napamulat ako ng mata at napaupo. Nakita ko ang sarili ko kasama siya sa TV. So start na pala.

"Alam mo hanggang 6 to 7 liters lang naman talaga ang mailalabas ng isang kalabaw ngayon kung gusto mo ng mas marami edi maghanap ka ng kalabaw na may kwuarentang dede."

Bigla naman akong napatawa ng malakas sa narinig ko. Naalala ko nanaman yun. Kahit palabas at scripted yun pakiramdam ko tunay na nabasag ako doon. Tumingin ako sa paligid. Patay pala ang aircon kaya pala mainit. Hinubad ko muna yung pang itaas ko bago ko buksan ang aircon at bumalik sa kinauupuan ko.

"Tapos?"

"Takbo!"

Napangiti ako sa sumunod na eksena. Naalala ko kung gaano siya ka awkward na tumingin sakin matapos kong maghubad ng pang itaas. Kita ko ang pamumula niya. Ang cute niyang tingnan kapag nag blush.

"M..Moe.."

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Speaking of. Tinitingnan ko lang siya mula dito sa couch. Kinukusot pa niya ang kanyang mata. Dahan dahan siyang lumapit sakin. Napangiti ako.

"Bakit wala ka sa tabi ko?"

Sambit niya at nag pout pa mas napatawa tuloy ako. Kinuha ko ang kamay niya at inupo siya sa lap ko. Hinalikan ko siya sa pisngi. Siya naman sinandal lang niya ang ulo niya sa balikat ko habang ang mukha niya ay nagtatago sa leeg ko.

"So..ibig sabihin nun okay lang sayo na may mga iba ng kalabaw na nauna? Basta ikaw yung mahuhuli?"

"Basta ako yung huling mamahalin."

Tiningnan ko siya.

"Sounds familiar?"

Tumango naman siya.

"Just One Summer?"

"Yup. Palabas siya ngayon."

Inayos niya ang upo niya at tumingin sa TV.

"It's been a long time.."

"Yeah pero same pa din naman eh."

"Anong same?"

Tumingin siya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan yun.

"Yung nararamdaman ko sayo. Nung panahon na yan inlove na inlove ako sayo. At ngayon? Inlove na inlove pa din ako sayo."

Napangiti naman siya. "I'm in love with you too, Moe."

Bigla naman siyang napatingin sakin.

"Bakit ka topless?"

"Uhm, mainit kasi kanina and you're asking me kung bakit wala ako sa tabi mo, nag jogging kasi ako."

"Tss. Mag palit ka na ng damit doon. Kumuha ka ng sando at suotin mo. Matutuyuan ka ng pawis niyang tapos magkakasakit ka?"

"Pero.."

"Elmo Moses!"

Napailing nalang ako.

"Oo na po."

Tumayo ako at pumunta na sa loob ng kwarto ko. Tiningnan ko ang loob ng closet ko at kumuha ng sando. Paglabas ko inayos ko na din ang kama ko kung saan kami natulog. Sinundo ko kasi siya kagabi at naisipan niyang mag over night dito. Inamoy ko ang unan na ginamit niya.

"Mmm..amoy Julie Anne San Jose"

Matapos ko mag ayos ng pinaghigaan namin, pumunta na ko kaagad sakanya. Nakita ko siya na nakatulog sa may couch. Lumapit ako sakanya at lumuhod. Pinagmamasdan ko ang maganda niyang mukha.

"Ang ganda ganda mo talaga..ang bait mo pa. Napaka swerte ko lang talaga na ikaw ang girlfriend ko. Pero paano kaya kung hindi ikaw si Julie Anne San Jose? Sino kaya ang para sakin?"

"Halika nga dito.."

Napatingin ako sa TV.

"Wala naman na kong masasabi pa eh. Hug nalang kita?"

Bigla akong napatingin kay Julie na mahimbing na natutulog. Napailing ako.

"Ikaw lang talaga ang nararapat para sakin at kung hindi ikaw si Julie Anne San Jose? Iisahin ko lahat ng taong may pangalan na ganyan mahanap lang kita."

Hinalikan ko siya sa labi. Napamulat naman siya ng mata. Halata sakanya na antok na antok pa siya.

"Moe?"

"I love you.."

Humikab siya at umupo. Niyakap niya ko.

"I love you too. Sorry nakatulog ako, hindi mo na tuloy napanuod ng maayos yung JOS."

"Okay lang yun naka save naman yan sa phone ko."

Tumango tango siya. "Anong oras na pala?"

Pinakita ko sakanya ang orasan. Bigla naman nanlaki ang mata niya.

"What? Hala!!! Ako nga pala ang magluluto ng breakfast natin! Wahhhh!"

Napatalon siya sa couch at tumakbo papasok sa kitchen. Naiwan naman ako na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Ang dami ko talagang dapat mahalin kay Julie. Nag iisa lang talaga siya. Tumingin ako sa TV. Nakikita ko ang sarili namin. Nakikita ko siya. The leading lady in my dreams.

"Yeah, I think I fell for the girl on TV."

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz