"Change"

8.7K 37 3
                                    

"Change"

I'm still trying to discover who I really am. Hindi ko masasabi na ganito na talaga ako. Hopefully, my fans won't get mad if I change.

*kringggg...kringgggg..*

"Hello?"

"I'm sorry if I forced you to do it."

"I really don't want to talk about it Mom. See you later. Bye."

*end call*

"Are you okay?"

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi pero ayoko naman na maramdaman niya na sinisisi ko kung ano ang meron kami para hindi ako maging okay.

"Oo naman."

"Wag ka ng magsinungaling tsaka tayo lang naman ang nandito oh. Hindi naman kita binabawalan na magpakatotoo."

Tiningnan ko siya. Ngumiti lang siya sakin. Pwede naman siguro ako magsabi sakanya diba? Magkaibigan naman kami.

"You're right. I'm not okay."

"Because of the interview?"

Umiling ako. "No, but because of my answer."

"Sana nagpakatotoo ka nalang. Kung ayaw mo talaga na sagutin yun sana nag-isip ka nalang ng iba pang pwedeng sagot. Yung alam mong komportable ka."

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Sorry ah? Alam kong nahihirapan ka na sa mga nangyayari. Hindi ko alam na ganito pala ang kakalabasan ng new show natin."

"Wala ka namang kasalanan. Damay ka nga lang din eh."

Ngumiti siya. "Hindi naman mawawala yun. Napaghandaan ko na din naman ang lahat ng ito. Tsaka, may kasalanan din naman talaga ako. Siguro hindi sayo pero sa ibang tao."

"Tinutukoy mo ba siya?"

Napayuko siya. "Oo. Bakit kaya ganun noh? Isang blessing ang pagkakaroon ng isang new show dahil alam mong pinagkakatiwalaan ka ng management pero yung kapalit pala dun mas matindi. Nakakasakit ka ng damdamin ng tao. Damdamin ng mga taong mahal mo at mahalaga sayo."

Tama siya. Gusto ko din itanong yan eh. Bakit kaya kapag masaya ka ang kapalit lungkot? Isa lang naman itong show pero ang daming nasaktan at nadamay. Mali ba na magkaroon ng bagong programa? Mali ba ang desisyon ko na tanggapin ang Villa Quintana? Mali ba lahat ng naging desisyon ko? Mali nanaman ba ko?

"Elmo..." Tawag sakin ni Janine.

"Hmm?"

"Tapusin na natin toh? Tapusin na natin yung mga paghihirap ng mga taong mahalaga sa atin?"

Tiningnan ko siya sa salamin. Nakatingin din siya sakin at inaantay ang sagot ko. Pilit akong ngumiti sakanya. Umiling ako.

"Wag. Hindi pa pwede."

"Pero.."

"May nakapagsabi sakin na kung ano yung magpapasaya sayo gawin mo. Wag mo ng intindihin ang sasabihin ng iba basta masaya ka at alam mong tama ang ginagawa mo, go lang."

Nginitian niya ko. Tumayo siya.

"Sabi mo eh. Kaya natin toh! Konti nalang naman eh."

Tumayo ako. "Konti nalang."

"Payakap nga sa baby brother ko?"

Niyakap ko naman siya. Hindi lang kaibigan si Janine para sakin. Kapatid na rin ang turing ko sakanya. Halatang matured na siya kasi naiintindihan niya ang sitwasyon at mga pangyayari. Nginingitian nga lang niya ang problema. Nakakainggit siya. Marami pa siguro talaga akong dapat matutunan.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now