"Mommy"

2.6K 64 1
                                    

"Mommy"

"Julie?"

Napatigil ako sa pag-iisip.

"Oh, bakit Ate Maey? Mag start na ba ulit mag shoot?"

Umiling naman siya. "Ayos ka lang? Bakit parang may malalim kang iniisip?"

Napabuntong hininga nalang ako. Umupo ako sa may palikuran. Malayo kasi yung upuan eh. Tumabi naman si Ate Maey sakin.

"Eh kasi naman po Ate Maey, may sakit po ang boyfriend ko."

"Si Elmo?"

Tumango naman ako. "Yes, si Elmo."

"Bakit hindi mo siya puntahan? Malapit na din naman matapos itong taping natin."

"Yun din po ang gusto ko Ate Maey pero sobrang nag-aalala na talaga ako sakanya. Wala po kasi si Tita Pia, nasa Antipolo. Yung ibang kapatid niya may ginagawa. Wala pong nag-aalaga sakanya ngayon."

Tinapik ni Ate Maey ang balikat ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Ang bait mo namang girlfriend. Sobrang nag-aalala ka talaga. Sige na, tapusin na kaagad natin ito para mapuntahan mo na siya. Kapag natapos ito tsaka mo siya alagaan. Check him time to time."

Tumango naman ako at ngumiti.

"Ok sige po. Wait lang po ate, speaking of checking him time to time, tatawagan ko na muna po siya."

Tumayo muna ko at lumayo sa mga tao. Badtrip nga kasi nawawalan pa ng signal.

"He..hello?"

Sunod na sunod na pag-ubo ang narinig ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Binalik ko yun sa tenga ko.

"Moe? Baby?"

"H..hi baby.."

Napakagat labi ako. "Okay ka lang baby? Uminom ka na ba ng gamot? Kumakain ka ba? Anong masakit sayo?"

Narinig ko na mahina siyang natatawa.

"Moe?"

"I..ikaw talaga..sunod..sunod ka naman magtanong."

"Sorry."

"Medyo nahihilo lang ako baby..uminom ako ng gamot pero kanina pa yun. Hindi pa din ako nakakakain kasi sa tuwing susubukan kong tumayo pakiramdam ko babagsak ako.."

Napahawak naman ako sa ulo ko. Kawawa naman siya.

"Kawawa naman ang baby ko..ganito magpahinga ka muna dyan ah? Hintayin mo ko kasi pagkatapos na pagkatapos nito pupuntahan kita kaagad. Ok baby?"

Walang sumagot..

"Baby?"

Nakarinig nanaman ako ng pag-ubo.

"Ok baby..matulog muna ko ah? I love you."

"I love you too."

Binaba ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ang wallpaper ko. Nakita ko siyang smile na smile doon. Napailing nalang ako. Nakayuko akong bumalik sa set.

"Anong nangyari? Ok ba siya?"

Umiling naman ako. "Hindi Ate Maey. Hindi siya okay."

"Sabihin na natin sa Direktor na magsimula na tayo kaagad para mapuntahan mo na yung baby mo."

Nagsimula na kami. Mahirap para sakin na magtrabaho tapos iniisip ko siya na walang kasama at may sakit pa. Natapos yun at madaling madali ako na sumakay sa kotse.

"Oh anak? Hindi ka man lang ba magbibihis?" Tanong ni Mama.

Umiling ako. "Hindi na po, Mama. Ma, Pa, pwede niyo po ba kong ihatid sa condo ni Moe? May sakit po kasi siya eh."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now