"Kisspirin"

1.1K 42 0
                                    


"Kisspirin"

"Moe, are you ready?"

Dahan dahan akong umupo. Hinawakan ko ang ulo ko ang sakit talaga. Lumapit naman sakin si Max. Sinalat niya ko.

"Hindi ka naman mainit. Masama pakiramdam mo?"

"Hmm. Hindi naman. Medyo masakit lang ang ulo ko. Pakiramdam ko din magkakasipon ako."

Tumingin siya sa orasan.

"Late na. Kaya mo pa ba na pumunta sa event natin?"

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Hindi kita pwedeng iwan. Magagalit sakin si Mommy."

"Tss. Ikaw kaya ang little bro ko. Sige na, kukuha lang ako ng gamot sa baba para mabawasan yang nararamdaman mo."

Umalis naman na si Max. Tumayo ako at nagsimula ng magbihis. Mabuti nalang at nakaligo na ko kanina. Badtrip! Mukhang magkakasakit talaga ako.

"Achooo!"

Napatingin naman sakin si Max habang pababa ako ng hagdanan.

"Moe, wag ka na kayang sumama."

"I'm okay."

"Hay. Ang kulit mo talaga. Sige na, malalate na tayo."

Sumakay na kami sa kotse. Pinainom na din niya ko ng gamot. Medyo nahihilo pa ko kaya sumandal muna ko sa may bintana.

"Ang traffic naman."

Tiningnan ko ang cellphone ko. Sana hindi kami malate nito. Nakita ko sa bintana ang robinson. Napakunot noo ako at may naalala ako.

"Kuya, padaan naman sa rob."

"Yes Sir."

Napatingin naman sakin si Max.

"Anong gagawin mo sa robinson?"

"She's here."

"Malalate tayo."

"But i need my own medicine, Max."

Ngumisi naman siya sakin at tumango nalang. Nakarating kami sa parking. Nakita ko kaagad ang kotse niya. Napangiti naman ako. Bago nga ito. Pinili niya ang kotse na sinabi ko sakanya.

"Stay here."

"Fine. Basta bilisan mo lang ah? Alam mo naman na may event tayo. Pasalamat ka at kausap ko ang boyfriend ko ngayon."

Bahagya naman akong natawa.

"Oo na."

At lumabas ako. Mabuti nalang talaga at magaling akong mag disguise. Lumakad ako sa loob ng mall. Nakita ko siya kasama ang mga fans niya. Masaya siyang nagpapakuha ng litrato. She's happy pero kanina ang lungkot ng mata niya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext. Nag antay pa ko ng ilang minuto at nakatanggap ako ng text mula sakanya.

Nandito ka? Saan?

I'll wait for you. Sa elevator nalang o kaya sa exit.

Okay. I'll see you.

Nauna ako nakarating doon. Mabuti at walang dumadaan dito.

"Sir, bawal po kayo dito. Dadaan po dito si Ms. Julie Anne."

Dahan dahan akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Tito Jonathan. Nakangisi siya sakin.

"Tito."

"Nagulat ka ba? Haha. Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm, hinihintay ko po kasi si Julie."

Napangiti naman siya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now