"Old Times"

1.5K 33 0
                                    

"Old times"

"Hello? What? Where are you? Sige sige pupuntahan kita."

Binaba ko kaagad ang cellphone ko at nilagay yun sa bulsa ko. Naglakad ako papunta sa parking lot ng tinawag ako ni Mommy.

"Where are you going Son? Hindi pa tapos ang kasal ng Ate mo."

"Tapos na po Mom. Susunod nalang po ako sa reception."

"Where are you going ba?"

Napakamot ako sa ulo ko at tsaka ngumiti ng pilit.

"Naligaw siya."

Ako ang nagmamaneho ng kotse. Mabuti nalang at pumayag si Mommy. Patingin tingin ako sa paligid. Hindi ko naman siya makita. Tiningnan ko ang cellphone ko at wala naman akong nakitang text. Tinawagan ko siya ulit.

"Hello? San ka? Ano? Hindi mo alam? Hmm. Paano kita makikita? Idescribe mo nalang kung anong mga nakikita mo sa paligid."

Ilang minuto din ang nagtagal hanggang sa malaman ko kung nasaan siya.

"Ok sige pupuntahan kita dyan. Please wag ka ng umalis dyan. Sabi ko naman sayo ipapahatid nalang kita ayaw mo pa. Hintayin mo ko."

Camp John Hay Picnic grounds.

Dyan niya ko pinapapunta. Nandyan daw siya. Agad kong tinahak ang daan kung san man yun. Mapapagalitan ako kung may mangyaring masama sakanya. Sinabi ko naman kasi na ipapahatid ko nalang umayaw naman siya kasi daw marami pang bisita maabala pa daw niya. Ayan tuloy naligaw siya. Maya maya pa narating ko na yun. 4:45 na ng hapon. Lumabas ako ng kotse at tsaka ko siya hinanap. Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ko ng maalala ko na naiwan ko yun sa loob ng kotse. Pupunta na sana ako sa loob ng kotse ng may tumawag sakin.

"Moe!"

Lumingin ako sa paligid. Wala namang tumatawag sakin. Sino kaya yun? Baka guni guni ko lang. Maya maya may nakita akong dalawang malaking puno. May lumabas dun.

"Janine"

Hahakbang na sana ako para lumapit sakanya ng may lumabas sa kabilang puno na katapat nito. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang taong yun. Hindi ako nakapagsalita. Salitan ang tingin ko sakanilang dalawa. Ngumiti sakin si Janine tsaka lumapit. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ito nalang yung kaya kong gawin para sayo, Elmo. Ang mapasaya ka at siya ang kaligayahan mo."

"Pero paanong.." Nauutal kong sabi.

"Tinulungan ko siya."

Lumingon ako sa taong nagsalita. Nakangiti sakin si Lauren.

"Lo? Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat.

"Nagpatulong si Janine. Aaminin ko. Ayoko din sakanya tulad ng pagka ayaw ko kay Julie pero mas matindi naman yung pagka ayaw ko kay Julie kesa kay Janine kasi alam kong mas may laban si Julie noh."

Napangiti naman ako. "Lo naman.."

Ngumiti siya sakin. "Joke lang. Mabait naman ako kay Janine kahit papaano. Kaya nga tinulungan ko siya."

"Salamat Lo and Janine."

"Wala yun, Elmo. Dapat lang na makabawi kami sayo kasi nag sakripisyo ka din naman kahit papaano."

Tumingin kaming lahat kay Julie. Nakangiti lang siya samin.

"So paano? Babalik na ko sa Ate mo. Alam mo naman si Saab hahanapin ako kaagad nun." Sabi Lo.

"Sige. Mag-iingat ka Lo."

Tumingin ako kay Janine. "Ikaw ba Janine? Baka maligaw ka nanaman ah?"

Umiling siya at bahagyang napatawa.

"Wag kang mag-alala alam ko na kung saan talaga ang bahay ni Ate Ruffa."

"Good."

Umalis na sila at naiwan akong nakatingin sakanila. Kumaway ako. Nagpapasalamat ako dahil kahit sila din ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari, at least sila din yung mga taong nakakaintindi sa totoong sitwasyon na meron kami. Tumingin ako sa buhay ko. Oo tama. Sila ang dahilan at siya naman ang buhay ko. Si Julie.

"Hi."

Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya. Lumapit ako sakanya.

"Hi."

Sabi niya. Pareho kaming napatawa. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Namiss mo ba ko?"

Natawa siya. "Hmm. Slight."

Napakunot noo naman ako. "What?"

Pinisil niya ang ilong ko. "Hindi lang namiss. Sobrang namiss kita."

At dahil sa sinabi niya hindi ko napigilan ang mayakap siya. Kumalas ako sa yakap namin at inalalayan siya papunta sa bench. Umupo kami. Sinandal niya ang likod niya sa dibdib ko. Hinalikan ko ang kamay niya.

"Sana palagi nalang ganito noh? Yung walang iniisip. Yung masaya lang tayo. Yung tipong ang taong nasa paligid lang natin is yung mga taong nakakaintindi talaga satin."

Hinarap ko siya sakin. "Alam mo nasa paligid naman talaga tayo ng mga taong nakakaintindi satin eh. Ang problema lang hindi nila makita yung totoong tayo."

"Paano mo naman nasabi yan?"

Tumingin ako sa langit. "Narealize ko lang."

Napangiti siya. "Alam mo proud na proud ako sayo."

"Bakit naman?"

"Kasi dati hindi ka naman ganyan eh. Hirap ka intindihin ang mga bagay. Yung pinagsisisihan mo yung mga desisyon na ginawa mo after mong gawin. Ibang iba ka na, Moe."

Inakbayan ko siya. "Siguro ganun lang ang nagagawa ng paghihiwalay natin as tandem. Yung kapag iba na ang kasama mo marami kang matututunan sakanila. At nung naghiwalay tayo akala ko katapusan na, hindi pala. Yun pala ang simula. Isang simula na pareho na tayong maraming alam. Pareho na natin naranasan ang masaktan,mapaghiwalay, dahilan para hindi na tayo matakot kung sakaling mangyayari ulit yun kasi sa huli, babalik at babalik lang tayo sa isa't isa."

Mahina siyang pumalakpak.

"Grabe. Nakaka proud ka talaga, Moe. Marami ka na talagang natutunan."

"Ikaw ba?"

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Ako? Isa lang naman ang natutunan ko eh."

"Ano naman yun?"

"Na ikaw at ikaw lang ang gusto kong balikan. Na kahit paghiwalayin pa tayo, ikaw lang. Ikaw lang ang masarap at paulit ulit kong babalikan."

Dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasan na halikan siya. Kung ganito lang naman ang mamahalin mo? Aba. Mapapatunayan mong may forever.

"Julie.."

"Yes?"

Napabuntong hininga ako.Tumingin siya sakin.

"May problema ka?"

Umiling ako at ngumiti sakanya.

"Can you be my valentine?"

Ngiti lang ang sinagot niya sakin. And by that, alam ko na. Like the old times.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن