"Slap"

1.7K 53 0
                                    

"Slap" 


"Maqui! Maq! Wait!" 


Hinabol ko si Maqui. Ang bilis kasi niyang maglakad. Hindi parin niya ako pinapansin kaya nung maabutan ko siya agad kong hinawakan ang kamay niya. 


"Maq.." 


Tiningnan niya ako. "What?" 


"Are you mad?" 


"Yes. I'm mad." 


"Maqui naman.."


Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya. Naglakad siya at naupo sa isang tabi. Nasa bar nga pala kami ngayon. Pinayagan ako ni Mama na mag night out kasama ang mga kaibigan ko. Tago ito so hindi kami makikita ng press. 


"Maq, sorry na oh. Sorry kung hindi ko sinabi sayo nandito ako." 


Tumabi ako sakanya. Tiningnan niya ako ng masama. 


"As if naman yun ang dahilan kung bakit ako nagagalit sayo." 


"Ha? Eh ano ba? Uhm, dahil nakita mo akong uminom? Sorry na. Kasi sila shot daw eh. Dalaga na daw ako. Isa lang naman yun."


"Julie, wala akong pakialam kung uminom ka. Malaki ka na." 


Napakamot ako sa ulo ko. 


"Eh bakit galit ka sakin? Bakit hindi mo ko pinapansin?" 


"Manhid ka ba? Galit ako sayo dahil sa mga nagiging desisyon mo. Alam mo ba yun ha?" 


"Desisyon ko.." 


Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. 


"Ano nanaman ang pumasok sa utak mo at naisip mong gawin yun kay Elmo?" 


Napayuko ako. Nagsabi na pala siya kay Maqui. 


"Maq, nakapag decide na ko. Ayos na yun. Mas maganda kung mag act nalang kami na parang hindi namin kilala ang isa't isa. Tama na yun. Mas okay na yun." 


"Ewan ko sayo! Alam mo hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan? Nasaan na yung palaban na Julie Anne San Jose? Yung hindi sumusuko? Yung handang ipaglaban yung pag-aari niya? Nasaan yun?" 


Napailing nalang ako. "Maq, unang una sa lahat, hindi ko pag-aari si Elmo. Pag-aari siya ng showbiz world na ito. Hindi na siya sakin Maqui. Wala na sakin si Elmo. Matagal ng wala." 


"Hindi siya nawala sayo Julie. Ikaw mismo ang nawala. Ikaw." 


JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now