"Guilty"

6K 53 4
                                    

"Guilty"

A guilty pleasure is something one enjoys and considers pleasurable despite feeling guilt for enjoying it.

"Gsssh! For sure nakita niya na."

It's a good thing that i already knew how to drive. Mas madaling pumunta sa gusto mong lugar at walang iisipin na may nag-aantay sayo.

"Cannot be reach."

Hindi niya sinasagot. I'm so dead. Tinatawagan ko siya ulit pero tulad ng nauna hindi pa din niya sinasagot. Nahampas ko tuloy ang manubela. What have I done? Hindi nagtagal nakarating na din ako sa bahay nila. Bumaba ako agad sa kotse at kumatok sa gate nila.

Tok tok tok..

"Oh boy?"

Pilit akong ngumiti. Hindi ko kayang ngumiti ng totoo lalo na kung alam kong may nagagalit sa akin ngayon.

"Good evening po Tito."

Hinawakan niya ang kanyang baba at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Hulaan ko, away? gulo? o gera?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Sa tingin ko po..this time...gera?"

Natawa siya at tinapik ang balikat ko.

"Kung ganun, pwede bang wag kayo dito sa bahay mag gerahan? Payag akong dalhin mo muna siya sa ibang lugar. Lugar kung saan makakapag paliwanag ka ng maayos."

"Sana nga po ganun lang kadali. Alam niyo naman po yang anak niyo Tito. Kapag galit yan, galit talaga siya. Kung away, gera talaga."

"Hahaha. Sinabihan na kita nung nagsimula kang ligawan ang anak ko. Ni-warningan na kita. Selosa ang anak ko. Mana yan sa Mama niya. Ang pinagkaiba nga lang, mas malala si Julie."

Napalunok naman ako doon. Nahalata naman ni Tito na kinakabahan ako.

"Ano na boy? Tuloy ka parin ba?"

"Po?"

"Pagkalagpas mo dito sa pinto ng bahay namin, wala ng atrasan yan. Ipagpapatuloy mo ang nasimulan mo. Hindi din naman kita pinipigilan na umatras at hayaan nalang ang lahat."

Umiling ako. "Itutuloy ko po. Nangako po ako sayo na aalagaan ko siya at hahabaan ko ang pagpapasensya ko sakanya. Mamahalin ko siya hangga't sa kaya ko. Bilang lalaki po Tito, paninindigan ko po kung ano ang nasimulan ko. Mahal ko po siya."

Tumango tango si Tito at binuksan ang gate nila. Naglakad kami papunta sa pinto.

"Papasok na tayo. Alam ko na ah? Wala ng atrasan kahit pa ano ang maganap sa pag-uusap niyo."

"Opo." Ngumiti ako.

"Sige. Goodluck boy."

Ako na ang pinagbukas ni Tito ng pinto. Walang tao. Tumingin ako sa taas. Nasilayan ko kaagad ang kwarto ni Julie. This is it. Bahala na kung mabato ako ng flower vase pag-akyat ko. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan. Nasa tapat na ako ngayon ng pinto ng kwarto niya. Napalunok muna ko.

Tok tok tok..

Walang nagbubukas. Binuksan ko ang pinto at nakita ko na natutulog siya. Lumapit ako sakanya. Nasa gilid ako ng kama. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kitang kita ko ang pamamaga ng kanyang mata. Umiyak siya? Napansin ko na hawak niya ang kanyang cellphone. Tiningnan ko yun at nakita ko ang teaser ng Y. Napailing nalang ako bago ko ilagay yun sa side table.

"I'm sorry.." Bulong ko sakanya.

Gumalaw siya. Unti unti niyang minulat ang kanyang mata. Nakatingin siya sakin. Ngumiti ako pero wala akong nakitang reaksyon sakanyang mukha. Nawala ang ngiti ko. Umupo ako sa sahig sa may gilid ng kama. Nakasandal ang likod ko dito.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now