"PEP-pep-PEPpep feat. Julie Anne San Jose

10.2K 31 0
                                    

PEP-pep-PEPpep featuring Julie Anne San Jose.

Shooting ngayon ng bago niyang teleserye na pinamagatang Kahit Nasaan Ka Man. Nakita namin ang young singer na nakaupo lang sa loob ng tent kaya nilapitan na namin siya para interview-in.

Ano ang nararamdaman mo na bida ka na sa primetime?

"Ayun po, very thankful po ako na pinagkatiwala ng GMA sa akin ang ganito kalaking project." Nakangiting sagot sa amin ng young singer.

Kinakabahan ka ba sa kakalabasan ng primetime show mo?

"Siyempre naman po hindi naman mawawala yun pero dahil din naman sa mga sumusuporta sakin, nababawasan na po yung kaba ko."

Si Kristoffer Martin ang partner mo dito, first time niyong dalawa na pareha sa isa't isa. Kamusta naman siya bilang kapareha?

"Opo first time namin mapair sa isa't isa. Ayos lang naman po makulit si Kris at mabait." Sabi ng young singer. Tinanong din namin siya kung hindi ba siya natatakot sa KrisJoy fans. "Uhm, hindi naman po kasi wala naman po silang dapat ikabahala kasi lahat naman po ng ginagawa namin ay trabaho lang at may Joyce na po si Kris." Natatawang sabi ni Julie sa amin.

Ano naman ang masasabi mo sa napapabalitang si Elmo at Lauren na daw?

"Wala po..wala naman po akong masasabi." Simpleng sagot ng young singer.

Si Elmo Magalona dapat ang kapareha mo bakit bigla itong nabago?

"Opo siya talaga dapat pero ayun hindi ko po alam kung bakit nabago."

Hindi ka ba nalungkot na hindi siya ang kapareha mo?

"Uhm.." Nag-isip muna si Julie bago niya sagutin ang tanong namin. "Kami po kasi ni Elmo, tatlong taon kaming magka tandem at sanay na sanay na po kaming dalawa sa isa't isa kaya nung nalaman kong hindi siya yung kapareha ko siyempre po nalungkot ako."

Nakausap mo na ba si Elmo?

"Recently lang po nung birthday ni Frencheska. Nagulat din po ako nung makita ko siya dun so ayun nakapag-usap naman kami." Tinanong namin siya kung may nasabi ba sakanya ang young rapper kung bakit nagpapahinga siya ngayon sa buhay showbiz. "Wala po hindi naman po ako nagtatanong. Mukhang masaya naman siya kasi nakakapag focus siya sa school."

JuliElmo fans? Masakit sakanila na hindi kayo makita na mapair ni Elmo ano naman ang pwede mong sabihin sakanila?

"Ano po.,uhm, sa mga fans po namin ni Elmo, tulad nga ng sinabi ko noon JuliElmo is JuliElmo hindi naman ibig sabihin na kapag ipareha kami sa iba ay hindi na kami magkakasama. Siguro po soon pero po ngayon we are both happy." Paninigurado sa amin ng young singer.

Any updates about Elmo? Kahit ba hindi kayo nagkikita o nagkakasama eh may communication parin ba kayo sa isa't isa?

Updates? Wala po eh..wala po akong alam. Communication? Wala din po."

Ok lang din ba sayo na ipareha si Elmo sa iba? Napabalita kasi na makakapareha nito si Janine.

"Oo naman po ok lang po tsaka susuportahan ko din naman po siya tulad ng pag suporta niya sa akin."

The real score between you and Elmo?

"Happy."nakangiting sagot sa amin ng young singer.

Kamusta ang puso ni Julie Anne ngayon?

"Ayos naman po, pusong mamon pa din. Hahaha." Natatawang sagot niya sa amin.

Relationship status of Julie Anne San Jose?

"Single." Tinanong namin siya kung ano o sino naman ang nagpapasaya sakanya at ang tangi lang niyang sinagot sa amin ay. "My family."

Last question for Julie Anne San Jose. Ideal man?

"Ideal man? Ang hirap ata yan ah? Next question nalang po. Haha" biro sa amin ng young singer. "Ok seryoso na po. Hehe. My ideal man? I like the one who is willing to understand and willing to wait until the girl is ready." Dun namin napag alaman na gusto pala ni Julie ang mga lalaki na marunong maghintay.

Natapos doon ang pag-uusap namin ng young singer na si Julie. Palabas na kami ng tent ng makalimutan ko ang cellphone ko sa loob kaya dali dali akong bumalik dun. Walang tao sa loob ng tent, tinawag siguro si Julie. Nakita ko ang cellphone ko na nasa mesa katabi ang cellphone ni Julie. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang lalabas na ng mag ring ang phone ni Julie. Sinilip ko kung sino ang tumatawag sakanya at nagulat ako....

Elmo Magalona.

Calling.......

-----------------------------------

SALING PUSA.

"Julie!!! Kris!!!" Tawag ng isang staff.

"Po?" Sabay nilang sagot.

"Mag picture kayo dalawa na sweet kayo sa isa't isa para kiligin ang mga fans."

Nagkatinginan silang dalawa at tumango nalang.

"Ok lang?" Kris.

"Ok lang." Julie.

Tumingin yung staff sa gawi niya. Nung katabi ko.

"Ikaw? Ok lang?" Staff.

"Ok lang." Simple niyang sagot.

Lahat naman sila nakatingin sakin. Ako na ang tatanungin.

"Ikaw ba? Ok lang?" Staff.

Tumingin ako kay Julie. Ngumiti siya sa akin.

"Ok lang, basta wag masyadong sweet. Seloso ako." Binigyan ko ang babaeng mahal ko ng nakakalokong ngiti.

"Elmo talaga ohh." At natawa silang lahat sakin.

The End.

- bakit ganun? Sa tuwing nagigising ako ng biglaan may pumapasok na ganyan sa utak ko? Ang weird. :) promo it helps sometimes! Hahaha. Be happy because Elmo and Julie is happy! :)

JuliElmo One Shots (All in One)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang