"Kama"

9.6K 51 10
                                    

"Kama"

Shit! What's that? Tumingin ako sa pinto na bahagyang nakabukas. Si Julie lang pala. Wait..bakit may hawak siyang sapatos? Tumingin ako kung saan siya nakaharap. Elmo. Oh yeah, he's back.

"Babe naman.." Lalapit sana si Elmo pero akmang babatuhin nanaman siya ni Julie.

"Wag kang lalapit!"

"Hindi mo ba ko namiss?" Tanong ni Elmo.

"HINDI!"

Liar. Kung makapag mukmok nga siya daig mo pa natalo sa lotto. Sabi pa niya kapag bumalik si Elmo yayakapin niya ito ng mahigpit at hindi na papakawalan pa tapos ngayon?

"Ano bang ginawa ko sayo?"

"Ikaw! Kaya pala! Kaya pala ganun! Kainis ka Elmooooooo!"

"Ang alin ba? Huminahon ka kasi para naman magkaintindihan tayo."

Inirapan siya ng bruha. Baliw talaga tong si Julie Anne. Bigla siyang umupo at sumandal sa pader dun. Niyakap niya ang tuhod niya at oh my! Humihikbi siya.

"Babe.." Lumapit si Elmo kay Julie at pinantayan ito. Kinuha niya ang sapatos na hawak ni Julie.

"Hoy!" Napalingon ako. Si Sef.

"Ano yan ha? Ikaw ah? Spy ka noh?"

Inirapan ko si Sef. "Wag ka nga. Hindi mo ba nakita? Nag-aaway oh."

Pinasilip ko sakanya si Julie at Elmo.

"Anong nangyari sakanila, French?"

"War."

Tiningnan ulit namin sila. Naririnig na talaga namin ang pag-iyak ni Julie. Si Elmo naman tinitingnan lang siya.

"Babe, sabihin mo naman sakin yung problema oh? Please.." Nagmamakaawa na si Elmo.

Nakita kong umangat yung ulo ni Julie. Umiiyak nga talaga.

"May nabasa kasi ako sa newspaper.."

"And..?"

"About sa Villa. About sayo."

"Ano yun?"

"May..may bedscene ka daw. Bedscene kasama siya.."

Napalaki naman ang mata ni Elmo sa narinig kahit kami din. Yun pala ang problema ni Julie. Kung sabagay kung ako naman ang nasa kalagayan ni Julie at gwapo ang boyfriend ko at malaman na may bedscene? Baka naglumpasay na ko.

"Yun pala yung sinabi ni Mommy na pag-uusapan namin. Ang pagkakaroon ng bedscene." Sabi ni Elmo.

Si Julie nakatingin nalang sa ibang direksyon. Tulala pero tumutulo pa din ang luha. Kawawa naman.

"Uii..kawawa naman si Julie. Hindi natin alam na ang bigat pala ng nararamdaman niya." Sabi ni Sef.

Tumingin ako sakanya. "Wala ka bang napapansin sakanya kapag magkakasama kayo sa tweethearts?"

"Uhm..kadalasan tahimik siya. Dati kasi nagbibigay siya ng ideas kung ano ang gagawin namin kaso nung mga nakaraan hindi eh. Gusto ko na nga siyang kausapin kaso sabi ng iba naming kagrupo hayaan nalang daw muna."

Napatango naman ako. Ako din napansin ko na yan. Dinalaw ko siya sa set ng bagong MV niya at pansin na pansin mo na palagi siyang tulala.

"Babe..Baby..tahan na. Wala pa kasi akong alam tungkol dyan eh. Kakausapin ko nalang si Mommy kapag napatunayan ko na magkakaroon nga talaga ng bedscene." Narinig namin na sabi ni Elmo.

Sumilip ulit kami at ganun parin ang posisyon nila. Nakaharap pa din si Elmo kay Julie habang si Julie naman nakatingin parin sa kawalan.

"Alam ko naman na ang babaw lang naman ng dahilan na ito para magka ganito ako. Trabaho mo yan eh pero ang sakit sakit parin para sakin. Masakit na nga yung hindi ako ang kasama mo. Masakit na nga yung nagkaroon kayo ng kissing scene. Masakit na rin yung kahit alam mong promotion lang nasasaktan ka pa din kasi nakikita mo na sweet yung mahal mo sa ibang tao..."

JuliElmo One Shots (All in One)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz