"Skype"

6.3K 46 0
                                    

"Skype"

"Let me explain? Please?"

"No."

"Please?"

"Fine."

Ganito kami palagi. May kasalanan siya,mag e-explain,makikinig ako tapos papatawarin ko na siya. Ganyan ko siya kamahal. Sobrang mahal na mahal yung tipong isang paliwanag lang niya lahat nalilimutan ko na.

Anong pinag-aawayan namin ngayon?

Waitress niya.

"Dare lang talaga yun. Sorry kung hindi ko sinabi sayo kasi for me hindi naman importante yun eh."

"Dapat sinabi mo parin. Girlfriend mo kaya ako."

"I know and I'm sorry baby."

Sigh. Sign of surrender.

"Wag ka nalang ulit maglilihim sakin baby ah? And please wag masyadong naglalandi. Ang clingy mo eh porket wala ako dyan."

"Ok na yung fans ang nilalandi ko kesa.."

Tinaas ko yung kamay ko. Senyales na pinapahinto ko siya sa pagsasalita.

"Ok. You stop talking mister. Ayoko ng susunod mong sasabihin."

Nakita ko na napangiti siya.

"So bati na tayo? Hindi na issue sa atin yung pagiging maharot ko?"

"Hindi na. Ok na sakin na sa fans mo ginagawa yung mga ganun."

Narinig ko ang pagtawa niya.

"That's good baby. Hindi ka naman pala mahirap kausap. So? Kelan ka uuwi? Miss na miss na kita."

"Hmm. Malapit na."

"Pasalubong ko ah?"

"Ano bang gusto mo?"

Tanong ko sakanya. Wala pa nga pala akong nabibili para sa mokong na toh. Paano ba naman kasi nasakanya na ang lahat. Kaya din niyang bilin ang mga bagay na gustuhin niya.

"Ikaw." Sagot niya.

"Kaya nga tinatanong kita eh tapos sasagutin mo ko ng ikaw. Ano nga kasi?"

"Sabi ko ikaw. Ikaw ang gusto kong pasalubong."

Napangiti naman ako. Oo na, alam ko naman talaga yung sinasabi niya kanina. Gusto ko lang sabihin niya sakin. Nagpapalambing lang ako sakanya.

"Tss. Bola. Bumabawi ka lang eh."

"Haha. Ikaw naman, minsan lang ako maging cheesy ayaw mo pa." Nag pout pa siya.

Sus. Nagpapa cute nanaman po ang boyfriend ko. Miss ko ng kurutin ang nguso niya. Yung matambok niyang pisngi. Mayakap ang matigas niyang katawan. Mahaplos at pisilin ang matigas niyang braso. Halik halikan ang matangos niyang ilong. Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas.

Gusto ko ng bumalik sakanya.

"Baby?"

"Ha?"

"Natahimik ka?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman."

"Mukhang masayang masaya ka sa vacation mo ah?"

Tumango ako. "Oo naman. Marami akong napapasyalan. Malaya. Masaya. Pero kulang..."

"Kulang?"

Ngumiti ako. "Kulang ako kung wala ka."

"Julie naman eh..." Nakita ko ang pamumula niya.

"Wait..kinikilig ka ba? Haha!"

Dahan dahan siyang tumango. Ako naman walang ginawa kundi ang tumawa. Ang cute cute talaga niya.

"Hahaha. Stop na nga, Moe. Para ka namang bakla dyan. Haha!"

"I love you Julie. Ikaw lang ang nakakagawa ng ganito sakin. Ang lakas talaga ng epekto mo."

"I love you too." Sabi ko sakanya.

"Ang sarap naman pakinggan. Umuwi ka na at ulit ulitin mo yan sakin."

"Alam mo kahit hindi ko sabihin sayo dapat nararamdaman mo na yun."

Napangiti siya sa sinabi ko. Pareho kami. Iisa lang kasi ang puso namin. Ang tibok ng puso niya kapareho ng tibok ng puso ko.

"Yes baby. By the way, congrats ah? Success nanaman ng album ng mahal ko."

"Salamat. Bumili ka ba?"

"Papahuli ba naman ako?"

"Sus. Ikaw din pala, congrats sainyo. Sa villa."

"Thanks baby kahit na hindi ka naman nanunuod." Biro niya sakin.

Natawa ako. "Bakit kailangan ko pang panuorin ang palagi mo naman sakin binabasa yung script mo. Haha."

"Oo nga naman."

"I miss you..Moe."

"Mas miss kita. Bumalik ka na sakin."

"Babalik na talaga ako sayo. Hintayin mo ko ah?"

"Maghihintay ako. So good night na?"

Tumango ako. Umaga na sa pilipinas habang gabi na dito. Nilapit ko ang lips ko sa laptop at hinalikan yun.

"Take care! I love you Moses."

Ginaya niya ang ginawa ko.

"I love you too Ja."

At dun natapos ang pag-uusap namin sa skype. After ng pag-uusap namin dun ko na realize na hindi sapat ang skype o facetime sa aming dalawa.

"Hintayin mo ang pagbabalik ko baby."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon