"Sightseeing"

1.8K 51 0
                                    

"Sightseeing"

Hindi ako bulag tulad ng sinasabi ng iba. I can see everything. Panget man o maganda. Masakit man o masaya. Yes. I can also see that. It's been a very long time bago ako ulit naging early bird sa SAS. Ayoko lang palampasin ang magagandang creation ni God.

"Hey!"

"Hi Janine. So are you ready for later?"

Tumango naman siya sakin. "Yes. Kinakabahan nga ako eh. Alam mo naman na wala akong talent sa pagkanta."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Don't worry. I got your back."

"Like what you always do when it comes to her?"

Umiling ako. "No. She always got my back. Siya palagi ang sumasali sakin."

Ngumiti siya sakin. Narinig namin ang staff na tinawag na kami para umakyat sa taas. Kasama kasi kami sa opening.

Inalalayan ko siya paakyat sa taas. Nakita ko sa paligid ang katulad namin. Puro loveteams. Nagsimula na ang opening. Kumanta kami.

"Where is she?"

Pasimple akong bumulong kay Ruru.

"Nandun ata sa likod."

Tinanguan ko nalang siya. I'm still waiting for her. Kung ano ano na nga ang ginagawa ko. Sumasayaw sayaw nalang ako. Then I heard her beautiful voice.

There she is smiling. Making the crowd proud.

"Hey."

May tumapik sakin. Nakalimutan ko na on air parin kami. Nang matapos bumulong sakin si Janine.

"Sightseeing, Moe?"

Natawa ako. "She's very beautiful."

"We know."

Tumingin ako kung nasaan siya ulit. Napangiti ako dahil nagtama ang tingin namin. Kahit sandali lang yun parang napatigil nanaman ang mundo ko.

"Bumaba na daw tayo. If you want to talk to her and admire her beauty, puntahan mo."

Tinapik ko ang likod ni Janine.

"Thanks!"

Nauna na akong bumaba at hinintay siya. Nang makita ko siya paparating agad akong humarang sa harap niya.

"Hi."

Ngiting ngiti kong sabi sakanya. Natawa naman siya bigla. May nakakatawa ba? May dumi ba ko sa mukha? Wala akong pakialam basta masaya siya.

"Sorry. Bigla bigla ka nalang kasing lalabas eh. Hmm. Anong meron?"

"Ang ganda mo Julie."

Natawa siya. "Hinarang mo ko para sabihin yan?"

Umiling ako. "Gusto ko din sabihin sayo na mahal kita."

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Nilahad niya ang kamay niya. Tiningnan ko yun.

"Anong.."

"Hold it."

Hinawakan ko yun. Naramdaman ko yung kuryente na tanging siya lang ang nakakapagbigay sakin. Naglakad kaming magkahawak kamay. Nakita namin ang mga kasamahan namin. Tinutukso kami. Puro hiyawan. Natatawa nalang kami ni Julie. Hindi pa din pala nawawala ang effect na meron kami.

"Maqui told me na ang sweet niyo ah?"

"Selos ka nanaman?"

Umiling siya. "No. You're mine right?"

"Sayo lang."

Kumalas siya sa pagkahawak kamay namin at tumakbo. Humarap siya sakin.

"That's good."

Nag flying kiss siya sakin sabay takbo paakyat.

"I'll see you later Baby!"

Nakangiti naman akong pinagmamasdan siya. Siya ang babaeng gustong gusto kong pagmasdan. Hindi nakakasawa.

"God, thank you for giving me the most wonderful gift."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora