"Version"

1.7K 59 0
                                    

"Version"


"Direk, pwede ko po kayong makausap?" 


"Oh, ikaw pala yan Elmo, bakit? May problema ba?" 


Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko. Yumuko ako. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Tumingin ako kay Direk. 


"Uhm, pwede po bang wag nalang she will be loved yung kantahin namin?" 


Napakunot noo naman siya. 


"Bakit Elmo? May problema ba tayo sa kakantahin mo?" 


"Uhm..kasi memorable yung kantang yun eh para sakin." 


"Oh? Memorable naman pala eh bakit hindi mo kantahin?" 


Napakamot ako sa ulo ko. Paano ko ba sasabihin? 


"Kasi Direk.." 


Ngumiti siya sakin. "Teka nga, dahil ba kay Julie?" 


Tumango naman ako.


"Sabi ko na nga ba. Nag search ako kanina at nakita ko na kinanta niyo na nga yun ni Julie." 


"Direk, mahalaga po kasi sakin ang bawat kantang naging bahagi ng loveteam namin ni Julie. Ayoko naman po na sabihin ng ibang tao na kinalimutan ko na kung sino ang unang kasama ko na kantahin yun." 


Tumayo siya at lumapit sakin. 


"I'm sorry Elmo pero nakaayos na kasi ang lahat lahat. Okay na kasi tayo sa songs at nalagyan na din ng acting kung paano niyo gagawin ni Janine yun." 


Nakatingin lang ako sakanya. Wala na ata akong magagawa. 


"Ganun po ba.." 


"Oo. Elmo, kahit pa kantahin mo yan sa kaninong tao wala namang magpapabago na si Julie ang unang taong kasama mo na kantahin yan." 


Tumango naman ako at pilit na ngumiti sakanya. Lumabas na ko. Nakakainis naman kasi. Ang daming kanta ma pwedeng gamitin yun pa? 


"Moe!" 


Napatingin ako kay Ruru. 


"Oh? Bakit?" 


"Tayo na ang next. Ready ka na?" 


Tumango naman ako. Sinungaling Elmo. 


"Oo naman. Ikaw ba?" 


"Oo din. Balita ko she will be loved ang kakantahin niyo?" 

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now