"Baby You Are"

9.8K 11 0
                                    

"Baby You Are" (One Shot)

Julie’POV : Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko..sa tuwing titingin ako sa mata niya parang tumitigil ang mundo ko..kapag nginingitian niya ko pakiramdam ko tatalon ang puso ko..sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko..ramdam ko na safe ako kapag siya ang kasama ko. Hindi ko naman maitatanggi na tuwing kakanta,sasayaw o aarte kami hindi ko maiwasan na kiligin. Sakanya..sakanya ko lang naramdaman toh. Ano nga ba ang tawag sa nararamdaman ko? siguro ito na nga ….ito na yata ang pakiramdam ng inlove. Inlove ? napaka laking salita napaka makahulugan ..ito na ba yung nararamdman ko para sakanya ? ito na ba ang nararamdaman ko para sa katrabaho ko ? sa kapartner ko ? sa ka love team ko ? Inlove na nga ba ako sakanya ? Inlove na ba ko kay Elmo ?

Nalilito na si Julie sa nararamdaman hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Natatakot si Julie na ipagtapat sa taong lagi niyang nakakasama ang tunay niyang nararamdaman para dito kasi kahit siya nalilito parin. Mabait,makulit,tahimik,talentado,masiyahin,sweet,matalino at gwapo..yan ang mga katangian na nakikita ni Julie kay Elmo..mga katangian ng isang lalaki na hinahanap ng isang babae. Mga katangian na nagustuhan niya kay Elmo. Sabihin na natin na may lihim na pagtingin si Julie kay Elmo..lahat naman siguro tayo diba ? Pero sa sitwasyon ni Julie mas nahihirapan siya. Nahihirapan na nga siya pakisamahan si Elmo eh kasi habang tumatagal nararamdaman ni Julie na unting unti na siyang nahuhulog sa binata. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero ito talaga ang nararamdaman niya. Bata pa si Julie wala pa siyang alam sa mga bagay bagay lalo na sa pag-ibig. Ngayon palang niya naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Kaya napakahirap para sakanya ang ganitong mga sitwasyon.

Julie’POV : Nandito ako ngayon sa isang park..hawak ang gitara ko. Nagpaalam ako sa magulang ko na aalis muna ko at pupunta dito..gusto ko kasi mapag-isa..gusto ko makapag-isip isip. Baka sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara at sa pagkanta eh mabawasan naman kahit papaano ang mga gumugulo sa isip at damdamin ko. May nabasa ako na pwede mo daw idaan sa kanta ang nararamdaman mo. Kung gumawa kaya ako ng kanta na naglalaman ng lahat ng nararamdaman ko ngayon ? Maiparamdam ko kaya sakanya na unti unti ko na siyang minamahal?. Sa kanta..sa kanta ko nalang idadaan ang nararamdaman ko.

♪ You are my dream , you are my hope , you are my love , oh baby you are my heart.. ♪

Julie’POV : Para kang isang pangarap lang..pangarap lang din ba na magustuhan mo ko? May pag-asa ba na pareho tayo ng nararamdaman ? lihim kitang minamahal..at kahit ano pang mangyari …magustuhan mo man ako o hindi nandito ka lang sa puso ko…

♪ I want you to know and let it show that i’m inlove… ♪

Julie’POV : Sana dumating yung panahon..at araw na masabi ko sayo kung ano man ang nararamdaman ko para sayo…gusto ko maipakita at maiparamdam sayo ang pagmamahal na tinatago ko dito sa puso ko..gusto ko masabi at maipagtapat sayo na inlove ako sayo…na sa hindi sinasadyang pangyayari …nahulog ang loob ko sa isang katulad mo…

♪ Everytime i see you near i wanna be close to you but how can it be… ♪

Julie’POV : Napakalapit mo na sakin pero feeling ko ang layo ko parin sayo..para kang isang bituin napaka hirap abutin..gusto ko makilala pa kita ng lubusan..pero sa papaanong paraan ko gagawin yun ? paano ako mapapalapit sayo ? saan ako kukuha ng lakas ?

♪ Cause i know it’s impossible to make it happen… ♪

Julie’POV : Masabi ko kaya sakanya ang nararamdaman ko ? posible kaya yun? pwede kaya mangyari yun ? kelan….

♪ But still , you are… Baby you are…♪

Julie’POV : haii…basta kahit ano pa man ang kalabasan ng nararamdaman ko para sayo…ikaw parin.. ikaw lang…sayo ko lang naramdaman toh..at sana dumating ang araw na mapansin mo ang lihim na tinatago ng puso ko para sayo…at pag dumating yun ako na ang magiging masaya sa lahat…dahil alam ko hindi nasayang yung nararamdaman ko sayo ..na alam ko na naramdaman mo kung ano man ang nasa puso ko..pero dahil magulo pa ang lahat..ikaw muna ang magiging inspirasyon ko ..ikaw muna ang gagawin kong inspirasyon sa lahat ng gagawin ko.

Nakagawa si Julie ng isang kanta …kanta na naglalaman ng mga emosyon na nararamdaman ng puso niya..Baby you are yun ang title ng kantang ginawa niya. Hindi pa ito tapos pero alam ni Julie na unti unti niya tong matatapos dahil meron siyang inspirasyon sa paggawa ng kantang yun. Nangako si Julie sa sarili niya na kapag handa na siyang sabihin kay Elmo ang nararamdaman niya ..kakantahin niya ito sa binata. At ipagmamalaki niya na nakagawa siya ng isang kanta para sa taong lihim niyang minamahal…

The End….for now.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now