"Haircut"

7.1K 30 1
                                    

"Haircut"

Pag bagong gupit ibig sabihin nasa "Moving on process" ka? o kaya "Heart broken" ka? Saan nakuha ng tao yan? Kay Basha? Dahil ba nagpagupit siya ng pinili niyang kalimutan si Popoy? No. Hindi.

"Nice haircut."

"Thanks."

"Sayang naman yung maganda mong hair. Bakit ka nagpagupit?"

Ngumiti lang ako sa hair stylist. "New beginning."

"New beginning?"

Tumango at tumayo na. Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat. Lumabas ako sa lugar na yun na fresh at ready na para harapin ang mga pangyayari at pwede pang mangyari sa buhay ko. Kinuha ko ang susi ng kotse sa bag ko. Yes, ako lang ang nag drive. Buti pumayag si Papa.

"Nandun na kaya siya?"

Tanong ko sa aking sarili habang nagmamaneho. Masaya ako ngayon. Dapat masaya tayo everyday. Tumingin ako sa mga stores na nadadaanan ko. Nakakita ako ng bake shop kaya huminto muna ko sandali.

"Excuse me, pabili po ako ng red velvet cake."

"Sure Ma'am. Upo muna po kayo aasikasuhin lang po namin ang order niyo."

"Thank you."

Nagbayad ako pagkatapos umupo ako dun malapit sa labasan. Nakatingin ako sa mga kotse na nagdadaan. Tumunog ang cellphone ko at binasa ang message na nakalagay dun.

"Ito na po yung order niyo." Abot nung miss sakin.

"Thanks."

Nginitian ko siya at lumabas na. Nilagay ko yung cake sa kabilang upuan. Napangiti ako. Sure kasi ako na masarap ang cake na ito at paborito niya ang cake na dala ko. Nagsimula nanaman akong magmaneho at hindi nagtagal, nakarating na ko sa lugar na napag-usapan namin.

"Nandito na kaya siya?"

Lumabas ako ng kotse at tumingin sa paligid. Tumingin ako sa orasan at mukhang napaaga ata ako. Maya maya may lalaking bumaba sa isang sasakyan. Napangiti ako.

"You're here. So early."

Napakamot siya sa ulo niya sabay ngiti sakin.

"Kanina ka pa? Late nanaman ba ko?"

Umiling ako. "Sabi ko nga sayo? Early diba? Haha. So tara?"

Tumango siya at ngumiti sakin. May kinuha ako sa likod ng kotse at tinulungan naman niya ko. Pinauna ko na siya sa pagtatambayan namin. Nang pumunta ako dun, nakita ko na naka set up na lahat. Nilapitan ko siya.

"Bilis ah?"

"Siyempre naman. Tara upo ka na."

Umupo naman ako. Nilabas ko yung tinatago ko sa likod ko. Nakalimutan kong sabihin sainyo na kanina pa niya tinitingnan ako hawak hawak ko sa aking likuran.

"What's that?"

"Cake."

Tumingin siya sakin. "Red velvet?"

Tumango ako sakanya. Nakita ko na nagliwanag ang mukha niya. Sabi ko naman sainyo matutuwa siya. Favorite kasi niya yan.

"Thanks! Namiss ko tong kainin kasama ka."

Napangiti ako. "Oo nga noh? Ang tagal na nating hindi nakain ng cake na magkasama."

Nakaupo nga pala kami sa isang puting tela. May dala kaming pagkain at kung ano ano pa. May dala din akong gitara. Kumain muna kami at ng matapos nahiga kami doon. Actually, siya lang. Ako kasi inaayos ko yung gitara ko.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now