"Lovelife"

1.4K 59 0
                                    

"Lovelife"

Nanunuod ako ng TV ng may nag doorbell. Binuksan ko naman yun. Napangiti naman ako at agad na nagbeso sakanya.

"Buti nakapunta ka?"

"Kung hindi ko lang kailangan ng tulong mo, di sana ako pupunta."

Natawa naman ako. Umupo kami sa may sofa.

"So dala mo ba yung mga kailangan natin?"

Tumango naman siya.

"Siyempre naman. Ikaw ang expert dito eh."

Napailing nalang ako. Nagsimula na kami sa gagawin namin. Tumingin siya sa cellphone ko. May tumatawag. Naka silent kasi ito.

"Hindi mo ba sasagutin?"

Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ko.

"Huy! Tumatawag siya oh."

"Hayaan mo lang."

Napailing nalang siya at binato ako ng unan.

"Ikaw talaga! Ginagalit mo nanaman siya. Nag away kayo noh?"

"Hmm. Hindi naman. Nagpapalambing lang ako sakanya."

"Kailangan pa ba yun?"

"Aba! Oo naman noh. Namimiss ko na kasi ang paglalambing niya."

Natawa naman siya. "Paano ba siya maglambing sayo?"

Naalala ko kung paano siya maglambing sakin. Tumawa nalang ako at tumayo.

"Maraming salamat sa pagsagot!"

"Gutom ka ba?"

Pumunta ako sa kusina. Tumingin ako ng pagkain pero wala. Nakalimutan ko nanamang mag grocery. Pagkalabas ko wala na siya dun.

"Janine? Asan ka?"

"Uhm, Elmo.."

Tumingin ako sa may pintuan at nakita ko siya na nakatayo dun kasama ang isang napaka gandang babae. May dala itong paperbag. Lumapit naman ako sakanila.

"M..Magluluto sana ako ng pagkain para sayo..pero..."

Tumingin siya kay Janine.

"Ahh..she's here because she needs something from me. Nagpapatulong sa mga lines niya."

Napatango naman siya.

"Nakakaistorbo ata ako sainyo. Iiwan ko nalang ito dito. Ikaw nalang ang bahala kung anong gusto mong gawin."

Nilapag niya ang paperbag at akmang aalis na. Bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Please stay."

Tumingin siya sa kamay namin sabay tingin kay Janine.

"It's okay. Aalis din naman ako." Sabi ni Janine.

Tumango naman siya. Lumakad na siya papunta sa kusina. Bago siya tuluyang makarating sa kusina, nilingon muna niya si Janine.

"Dito ka na kumain."

Tumingin sakin si Janine. Tumango naman ako sakanya.

"Uhm..okay." At ngumiti siya.

Hinatid ko siya sa kusina. Kinuha niya kaagad ang doreamon na apron doon at nagsimula ng hugasan ang dala niyang mga gulay.

"Akala ko ba busy ka?"

"Akala ko ba hindi ka busy?"

Natahimik naman ako. Hindi siya tumitingin sakin.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon