"Pizza"

1.4K 47 1
                                    


"Pizza"

Napakunot noo ako ng mabasa ko ang text message niya. Ano daw? Tumayo ako. Napansin naman nila yun.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Julian.

Napakagat labi ako.

"Uhm..magpapahangin lang."

"Ha? Malamig naman dito ah?"

Ngumiti ako ng pilit.

"Gusto ko lang ng fresh air. Hehehe. Sige."

At lumabas na ko ng tent. Pumunta ako sa may parking lot. Mabuti nalang talaga at madilim na't wala ng fans na nakabantay. Maglalakad na sana ako ng may humila sakin.

"Hi Miss beautiful."

Nahampas ko naman siya sa balikat

"Ikaw Elmo Magalona! Wag ka ngang manggulat!"

Ngumiti naman siya sakin. "Sorry na. Anyway, may dala ako for you and the gang. Tah dah!"

Pinakita niya sakin ang tatlong box ng malalaking pizza at isang paperbag. Tumingin ako sakanya.

"Nag abala ka pa."

"Ano ka ba, para sayo din naman ito. Alam ko naman na hindi ka pa kumakain. Look, may niluto ako dito na corn soup, salad, garlic bread, and baked salmon."

Napangiti naman ako. "Ikaw ang nagluto?"

Tumango naman siya. "Siyempre. Dapat galing sakin para healthy."

Kinuha ko naman sakanya ang paperbag at tiningnan yun. Mukhang masarap. Ano ba Julie! Kelan ka ba hindi nasarapan sa luto ng boyfriend mo?

"Baby, tapos na ang taping niyo?"

Umiling naman ako. "Hindi pa eh. Mukhang dito na kami magpapaumaga. May mga takes pa kaming hindi nakukunan."

"Nakakapag pahinga ka naman ba kahit papaano?"

"Hindi din eh. Kasi kapag break time namin ginagawa ko yung thesis ko."

Napasimangot naman siya.

"Baby naman, break time nga eh. Kailangan mo ng break. Pahinga. Wag mo naman pagurin ang sarili mo. Isa isa lang."

Nakakamangha talaga kapag ganyan siya sakin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalaga niya.

"Eh ikaw? Magaling ka na ba? Wala ka na bang sakit?"

Sinalat ko naman siya. Malamig ang pawis niya. Madali talagang pagpawisan ang lalaking ito. Hindi sanay sa labas gusto laging naka aircon.

"Medyo may sipon pa ko pero pawala naman na."

Pinunasan ko siya ng pawis.

"Sorry ah kung wala ako sa tabi mo nung may sakit ka. Sobra akong nag-alala sayo. Sabi ni Ate Max tumindi yung sipon mo after ng event mo."

"Okay lang naman ako. Wag ka na din mag sorry kasi kahit hindi mo sabihin alam kong yung mga fruits na bigla nalang dumating sa condo ko ay galing sayo."

Nginitian ko siya. "Kahit man lang doon maalagaan kita. Kinain mo naman ba?"

Tumango siya. "Oo naman. Galing ba naman sa mahal ko eh."

Natawa naman ako. Inakay niya ko sa may likod ng tent. May mesa kasi doon. Mabuti nalang at walang lamok sa location namin kundi lagot ako kay Elmo. Nilapag niya ang pagkain sa mesa. Pinagsilbihan niya ko.

"Kumain ka ng kumain ah? Para lumakas ka at hindi ka magkasakit."

"Ang dami naman niyan."

"Mabuti na yan para healthy."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon