"Screen date"

1.9K 66 0
                                    

"Screen date"

"Babyyyyy, wait wag mong ibaba please?"

"Ayokong kausapin ka!"

"Baby.."

Binagsakan niya ko ng phone. Ito na ang ika isang daan kong tawag sakanya. OA ba? Eh ito yung totoo. Grabe. Pagod ako galing sa cosmo at pagdating ko naman dito sa condo akala mo makakapag pahinga ako, hindi pala.

"Mukhang iisipin kita buong magdamag."

Magkalayo kami ngayon. Paano ko siya magagawang makausap ng matino? Hay. Nilapag ko muna ang backpack ko. Pumasok ako sa kwarto at nahiga dun. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ring lang ng ring.

"Hopefully..bukas okay ka na."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng may tumatawag sa phone ko.

"Hello?"

"MOE!"

Medyo inaantok pa ko kaya hindi ko nalaman kung sino ang tumawag.

"Sino ito?"

"Si Kuya Christian mo toh."

Binuksan ko kaagad ang lampshade.

"Kuya? Bakit ka napatawag? May nangyari ba? Si Julie?"

Narinig ko na napabuntong hininga siya.

"Naku Elmo, yung girlfriend mo naghihimutok sa loob ng hotel room niya. Naririnig namin na iyak ng iyak."

Napakamot naman ako sa ulo ko. Anong dapat kong gawin?

"Kuya, please...please paki tingin tingin siya para sakin."

"Ano ba kasing ginawa mo sa Cosmos at grabe nalang ang epekto kay Julie."

"Siyempre Kuya, medyo hot and sexy ang dating ko dapat dun. Kung anong pinagawa sakin, ginawa ko lang. Trabaho ito eh."

"Nagpaalam ka ba kay Julie?"

"Yes at pumayag siya. Ilang beses akong nagpaliwanag sakanya na may ganitong scenes. Pumayag naman siya pero heto nag-aaway kami dahil dito sa bagay na alam naman niyang gagawin ko."

Napabuntong hininga nalang si Kuya Christian.

"Ok sige. Ako na ang bahala kay Julie. Selosa talaga tong si baby sis eh."

"Kuya, please update me kung anong nangyayari sakanya. Tell her na tawagan niya ko."

"Sure, Moe"

Matapos ang pag-uusap namin ni Kuya Christian, bumangon ako at naghilamos. Kailangan gumawa ako ng paraan. Habang nagbibihis ako may bigla namang tumawag sakin. Gabing gabi na at gusto ko ng matulog pero hindi naman pwedeng ganito kami ni Julie.

"Derrick?"

"Moe! Bar tayo!"

"Hindi ako pwede ngayon may aasikasuhin ako eh. Si Julie kasi.."

"Si Julie? Nasa New york si Julie diba?"

"Oo, pero alam mo naman na nag sosoco yun. Panigurado nakita niya sa twitter yung mga photos ko kanina. Malay mo pati video."

Natawa naman siya. "Nagpaalam ka ba bro?"

"Oo naman. Pumayag pa nga siya eh."

"Ikaw talaga. Malay mo hindi naman pala talaga okay sakanya yun? Malay mo, sinabi niya lang yun para mapanatag ka? O kaya naman hindi niya alam na ganun ka hot ang gagawin mo?"

Huminga ako ng malalim.

"O baka naman wala talagang tiwala sakin si Julie."

"Moe, wag kang mag-iisip ng ganyan. Malaki ang tiwala sayo ni Julie. Binigay nga niya sayo ang puso niya diba? Medyo corny pero may point naman ako. Puso niya ang pinagkatiwala niya sayo. Kaya wag kang mag-isip na wala siyang tiwala sayo."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now