"This night"

9.9K 13 0
                                    

Beep ! Beep ! Beep ! Beep !"

Jonathan : Julie Anne !! nandito na yung sundo mo !! bilisan mo ! bumaba ka na dyan !

Julie : OPO PAPA !!!

Marivic : Oh , masyado ka ng maganda anak baka hindi na maalis ng date mo ang mga mata niya sayo.

Julie : Mama talaga oh..

Marivic : ikaw talaga ! bumaba ka na nga at inaantay ka na nung sundo mo.

Julie : Opo kukunin ko lang po yung cellphone ko.

Habang nag-uusap si Julie at ang kanyang Mommy eh seryoso naman na naka-upo sa sala ang Papa ni Julie at ang sundo nito.

Jonathan : 12:00 midnight.

Guy : po ?

Jonathan : 12 midnight kailangan nandito na si Julie sa bahay. *seryoso* kung hindi mo siya maibabalik dito ng 12 midnight hindi mo na pwede makita ang anak ko. Hindi mo na siya pwedeng dalawin dito sa bahay.

Guy : ….

Marivic : Hon..masyado mong tinatakot tong si Elmo oh …tingnan mo mukhang hindi na makahinga yung bata sa sobrang kaba.

Jonathan : *tumayo at tumabi kay Elmo* Elmo !

Elmo : Po Tito ? *kinakabahan*

Jonathan : HAHAHA ! huminga ka na niloloko lang naman kita eh.

Elmo : *nakahinga ng maluwag* pwede po ba ko humingi ng tubig ? kasi kinabahan po talaga ako dun eh.

Jonathan : HAHAHA ! pasensya ka na ah.. *tapik sa balikat ni Elmo*

Marivic : ikaw kasi Hon eh..wait lang Elmo ahh kukuha kita ng tubig. At nga pala pababa na si Julie. ;)

Elmo : Salamat po Tita.

Jonathan : Congrats nga pala ah.

Elmo : Salamat po.

Jonathan : Ikaw na muna bahala kay Julie. Kung hindi lang kasi masakit ang katawan ko ..ako na mismo ang maghahatid dun sainyo.

Elmo : Magpahinga nalang po kayo Tito. Ako na po bahala kay Julie..hindi ko po siya papabayaan.

Marivic : Aba dapat lang Elmo ahh.. oh ito na yung tubig mo.. *inabot*

Elmo : Salamat po Tita. *uminom*

"Sorry , masyado na ba akong matagal ?"

Elmo’POV : Lumingon ako sa likod ko dahil may narinig akong napaka gandang boses. Napatulala ako. Tumigil ang mundo ko ng makita ko si Julie..para siyang Anghel na bumaba galing sa langit. Dahil sa sobrang gulat ko dahil sa nakita ko napaubo tuloy ako habang umiinom ng tubig. Nagulat sila Tito at Tita. Nakangiti lang sakin ang anghel ko habang siya ay pababa galing sa hagdanan.

Julie : Hi Moe. *smile*

Jonathan : *tinapik si Elmo* Elmo , baka naman matunaw ang anak ko ah..

Elmo : *bumalik sa realidad* Hi. *smile*

Marivic : Sabi ko na eh …hahaha !

Julie : Ma…

Marivic : ok ok ! alam niyo umalis na kayo at baka malate pa kayo oh..

Julie : Sige po Ma …Pa. Alis na po kami ni Elmo. *beso sa mga magulang*

Jonathan : Mag-iingat kayo ah ? Elmo ..12 midnight.

Elmo : Po ? OPO OPO !

Julie : Pa ? 12 midnight ? eh anong oras na po oh.

Jonathan : Alam na ni Elmo yun.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon