"Bestfriends"

2K 57 0
                                    

"Bestfriend"

"MAQUI!"

"FRENCHESKA FARR!"

"MAQ!

Hindi talaga niya ko pinapansin.

"BEAUTIFUL!"

Bigla siyang huminto sa paglakad at humarap sakin.

"Yes, anything?"

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sakanya.

"About kanina.."

"Wag na, Moe. Naiintindihan ko naman na. I know."

Umiling ako. "No Maq, you don't understand. I love your bestfriend so much. Alam mo yan."

Natawa siya at biglang nagseryoso.

"Alam ko naman yun.."

Tapos umiling siya. "Ngayon lang talagang hindi."

Maglalakad na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya sa may gilid.

"Maq, let me explain."

"Moe, kahit ilang beses ka pang mag explain hindi mo maaalis yung fact na nagugustuhan mo na yang status niyo nung ka-loveteam mo."

"Who told you that? Maq, alam ko artista ako. Alam ko na gusto ko ang pag-arte pero ito? Hindi ko gusto ito kasi nakakasakit ako ng ibang tao. Lalo na yung taong mahal ko."

"Moe, wag mong isipin na hindi kita naiintindihan. Sa lahat ako ang pinaka nakakaintindi sayo. Bukod sakanya. Pero ayoko naman na palagi nalang nasasaktan ang bestfriend ko."

"Maq.."

Tinapik niya ang balikat ko.

"Alam mo Moe, siguro kailangan lang talaga maghintay tayo ng tamang oras at panahon baka pag dumating na yun, pwede na. Pwede na ulit kayo."

Naglakad na siya ng palayo sakin pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko sumigaw ako.

"Alam kong gago ako Maq pero ako yung gago na mahal na mahal ang bestfriend mo."

Nagpunta na ko sa dressing room at umupo sa sofa. Biglang dumating si Janine. Tumabi siya sakin.

"Ayos ka lang?"

Tumango naman ako.

"Alam mo, wala kang maitatago sakin."

Napailing nalang ako at tumayo.

"Mahal ko siya."

Ngumiti siya sakin. "Alam ko."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Pero hindi ko alam kung mahal pa ba niya ko."

"Mahal ka niya. Alam kong mahal ka parin niya."

Tumingin ako sa mata niya. Nagtataka kung paano niya nasagot yun ng parang walang pag-aalinlangan.

"Nakita ko kasi siya kanina, pinapanuod ka niya. Habang pinagmamasdan ko kasi siya nakikita ko kung gaano ka niya kamiss. Kung gaano ka niya gustong makasama."

Tumayo siya at lumapit sakin.

"Elmo, simple lang naman ang solusyon sa problema mo, puntahan mo siya. Sabihin mong mahal na mahal mo siya."

Sinunod ko ang bilin niya. Naghihintay ako sa may hagdanan ng bumaba si Maqui. Nakatingin lang ako sakanya. Nung nagtagpo ang mata namin bigla siya napangiti at napailing. Huminto siya sa harap ko.

"Alam mo, pasalamat ka na ako ang number one fan ng JuliElmo."

Napangiti ako. "Maqui.."

"Puntahan mo na siya. She's waiting for you."

Niyakap ko kaagad si Maqui.

"Salamat Maq! Ikaw na talaga! Ikaw na! Salamat kasi nandyan ka para sa amin."

Yumakap naman siya ng pabalik.

"Mahal ko lang talaga kayong dalawa. Matitiis ba naman kita? Basta libre mo ko ah?"

Natawa naman ako. Kumalas naman ako ng yakap.

"Ikaw talaga pero sige."

Natawa din siya. "Tandaan mo lang ha? Si Julie lang ang gusto ko para sayo at ikaw lang ang para sakanya. Wag mo ng asahan na magugustuhan ko yang ka-loveteam mo kasi kahit anong pilit ko, wala talaga."

"Maq..she's nice."

"I know pero ewan ko ba. Siguro matatanggap ko din yun kapag hindi na siya ang rason kung bakit nasasaktan ang bestfriend ko."

Napailing nalang ako. "Ikaw ang bahala pero mabait talaga siya."

"Ano? Ipagtatanggol mo ba siya o pupuntahan mo na yung isa dun sa taas?"

Niyakap ko ulit si Maqui.

"Thank you Maq."

EHEM EHEM.

Napalingon kami ni Maqui sa may taas nf hagdanan. Napangiti naman ako kaagad.

"Oh ayan na pala."

Napailing nalang si Julie habang bumababa.

"Ang sabi mo uuwi ka na hindi ko naman alam na kikitain mo siya at magyayakapan pa kayo."

Nagulat ako ng biglang napasubsob si Julie sakin. Hinawakan ko naman siya kaagad.

"MAQUI!" Sigaw ko.

Sinamaan niya ko ng tingin. Natakot naman ako.

"Aba! Kung ano ano kasing iniisip niyang si Hulyeta! Aba!"

"Hindi ka naman mabiro. Kailangan talaga may batok? Ang lakad nun ah?"

Natawa nalang si Maqui. Niyakap niya si Julie.

"Sorry bestfriend. Ayan na ang bittersweet lover mo. Alam ko naman na kahit anong mangyari, siya ang happiness mo."

"Thanks Maq." Sabi ni Julie.

Umalis na si Maqui. Naiwan kami dun. Medyo awkward nga. Pareho kaming napangiti ng magkatitigan kami.

"2 minutes?"

Tumango siya. "2 minutes."

Pumunta kami sa walang tao. Sumandal kami sa may pader dun.

"Nagsumbong sakin si Maq ah?"

"Ha?"

"Sweet niyo daw." Natatawa niyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Hindi naman. Gentleman lang talaga ako."

Napailing naman siya. "Alam mo naman si Maqui kapag naiinis kung ano anong sinasabi."

Napangiti naman ako. "Bantay na bantay nga ako kanina."

"Dapat lang."

Napatingin naman ako sakanya.

"Ibig sabihin ba niyang dapat mo is may karapatan ka padin sakin at may karapatan pa din ako sayo?"

"Hindi naman nawala yun."

Napailing nalang kami at sabay na tumawa. Masaya na kami sa ganito. Kahit ganito lang muna okay na. Pansamantala ganito muna kami. Bigla ko nalang hinawakan ang kamay niya.

"Mahal pa rin kita."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mahal kita kahit anong mangyari mahal kita kahit pa kalaban pa natin ang mundo."

Bigla kong hinalikan ang kamay niya. Tumingin kami sa bawat isa at ngumiti.

"HOY MAGALONA! Ililibre mo pa ko diba?"

Napatingin kami ni Julie sa may pinto. Pareho kaming natawa sa sinabi ni Maqui.

"Si Maqui talaga." Sabay naming sabi.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon