"Fantasize"

2K 60 0
                                    

"Fantasize"

Mahimbing akong natutulog ng may nag doorbell. Naiinis akong bumangon para harapin kung sino man yun. Pagkabukas ko ng pinto laking gulat ko kung sino ang nandoon.

"Papa? I mean, Tito Jonathan?"

Seryoso lang ang mukha niya na para bang maghahamon ito ng away. May nagawa ba ko? Nasaktan ko nanaman ba si Julie? Parang kanina lang kausap ko siya sa phone ah?

"Elmo."

"P..Pasok muna po kayo.."

Pumasok naman siya. Pinaupo ko siya sa sofa. Aayain ko sana siya na mag coffee or tea ng magsalita siya.

"Bakit nandito ka at wala ka ngayon sa tabi ng girlfriend mo?"

Napatigil ako. "Uhm..sabi po kasi ni Julie wag akong pumunta eh."

"Nakita mo na ba kung anong suot niya?"

Napakunot noo ako. Kinuha niya ang cellphone niya pinakita sakin. Nanlaki naman ang mata ko.

"Anong suot yan napaka revealing!" Sigaw ko.

Tumango tango siya. "Hindi ako makaimik kanina kasi wala naman akong magagawa pa dahil siya na ang cover niyan. Ayokong makialam kasi malalagot naman ako sa Mama Ivic mo."

Tumayo si Tito Jonathan at lumapit sakin.

"Pero ikaw Elmo..ikaw lang ang may kakayahan na kausapin ang anak ko sa bagay na yan."

Agad akong nagbihis para pumunta sa event niya. Casual attire lang ang suot ko para naman hindi mahalata kung sino ako diba? Umupo ako sa may gilid dun para naman maantay ko siyang lumabas. Maya maya may nagpalakpakan na.

"Julie.."

Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya na ganun ang suot niya. Mas naattract ako nung nakita ko siya sa personal. Kitang kita ko ang hubog ng katawan niya. Napalunok ako.

"Calm down, Elmo."

Sabi ko sa sarili ko. Nagsimula na ang event. Nakaupo lang ako sa gilid at tinitingnan siya. Julie Anne, alam mo ba kung anong iniisip kong gawin sayo? Gusto kitang hilahin at takpan ng jacket pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong halikan ka.

"Ang ganda ni Julie noh? Bagay sila ni Alden. Sure ng may pag-asa yang dalawa kasi magkakasama sa isang show."

Narinig ko na sabi nung isang staff.

"Naku hindi mangyayari yan Friend."

"Bakit naman?"

"Narinig ko kasi si Julie kanina nung dumaan ako sa dressing room. Narinig ko siyang may kausap sa phone at tawa pa ito ng tawa. Tinawag pa nga niya yung sweetboy."

"Malay mo naman si Alden ang kausap."

Naiinis na ko. Sure kasi ako na maka Alden ito.

"Hindi din. Malay mo si Elmo Magalona pala."

"May Janine na yun!"

Umiling yung isang staff. "Mas bagay sila ni Julie kaya naniniwala akong walang sila dahil meron paring JuliElmo."

Napangiti naman ako dun pero naiinis pa din ako kasi naalala ko nanaman na magkakasama pala sila sa isang show. Nagpunta muna ako sa CR. Walang tao doon. Tinanggal ko ang hoodie ko. Tumingin ako sa salamin.

"She loves me. Yes, Julie loves me."

Sabi ko sa sarili ko. Ayoko kasi na pag nagharap kami ni Julie eh away ang mangyari samin. Lalabas na sana ako ng marinig ko na may kumakanta sa kabilag CR. Sa CR ng mga babae.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon