"Mimic"

2.5K 79 2
                                    

"Mimic"

Kung anong ginagawa ng matanda siya namang ginagaya ng bata.

Ngayon, naniniwala na ko dyan. Kanina pa ko ginagaya ni Jac. Natatawa nalang ako ginagawa ng kapatid ko. Trip nila ko eh so hayaan na.

"I love you too."

Napatingin ako kay Jac. "What did you say, Jac?"

"I love you too."

"Ha?"

Ngumuso siya sa cellphone ko. Bigla ko naman yun naitago sakanya. Nagtawanan naman sila ni Joanna.

"Mas macho parin ako sayo. Pasalamat ka mahal kita."

Napatingin naman ako kay Joanna. Magkabilaan sila. Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Tiningnan ko sila ng masama.

"Kayong dalawa ah! Kanina ko pa napapansin na trip niyo ko."

Nagtawanan sila. "Minsan lang naman, Ate. Ang cute mo kasi." Sabi ni Joanna.

"Yes! Haha. Ang sweet mo pala, Ate."

"What do you mean?" Kunot noo kong sabi.

Tumayo si Jac sa harap namin.

"Kanina ka pa kasi namin pinagmamasdan, Ate. Hindi mo napansin na nadidinig ka namin kanina."

Wala akong clue sa sinasabi nila. Tiningnan ko si Jac. Hiniram niya ang cellphone ni Joanna.

"Hi baby..kamusta na? Nanalo ka na ba sa board game niyo?"

Natulala ako sa sinabi ni Jac. Tumayo naman si Joanna. At kinuha ang cellphone niya. Nilagay naman niya yun sa tenga niya.

"Oo nga baby eh, sana nandito ka. Ang saya kaya. Miss na miss na kita. Mwuah."

Kinuha ulit ni Jac yung cellphone.

"Baby, miss na kita. Sobra. Facetime tayo later ah?"

Kinuha ulit ni Joanna yung cellphone.

"Ikaw talaga, I love you too. Nagustuhan mo ba yung early birthday surprise ko sayo? Nag two piece ako."

Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang hiya. Nararamdaman ko din na namumula na ko. Narinig nilang lahat yung pag-uusap namin. Nagtatawanan nanaman sila.

"Oh, ang saya naman ata ng mga anak ko? Anong nangyayari?"

"Eh kasi naman po...Ma, kasi naman inaaway ako nila Jac at Joanna eh."

Natawa naman si Mama. "Bakit ka naman inaaway?"

Nag pout ako. "Ginagaya nila ko tapos narinig nila yung pag-uusap namin ni.."

"Kuya Elmo pa more! Hahaha!" Sabi ni Jac.

"Hay naku Ate, hindi namin alam na sobrang cheesy mo pala kapag magkausap kayo ni Kuya Elmo."

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ano pa bang narinig niyo?" Tanong ni Mama.

"Mama naman eh. Wag niyo na pong alamin."

"Haha. Dali na."

Kinuha ni Jac yung cellphone. Umarte siya na nagtetext siya.

"Baby, star ka ba? Ang layo mo kasi sakin eh."

Natawa naman si Mama.

"Anak, totoo? Haha. Star ka ba? Haha. Sinabi mo talaga yun kay Elmo?"

"Mama naman eh. Nang-aasar pa. Nagpapaka cheesy lang naman."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now