"Inlove Again"

9.5K 38 2
                                    

"Inlove again"

I fell inlove with my bestfriend. Palagi kong sinasabi na 'wag, magkaibigan lang kayo. Be professional. Wag mong isama ang nararamdaman mo sa trabaho mo.' Palagi ko yang iniisip but unfortunately, useless. I've been asking myself if this is right. If I can I hide my true feelings for that person but then again, useless. Pag siya na ang kasama ko wala na..hindi ko na namamalayan na..nahuhulog nanaman ako sakanya. Mas lalo akong nahuhulog sakanya. Paulit ulit.

"Son? Still there?"

Napatingin ako sa cellphone ko. Kausap ko nga pala si Mommy.

"Yes, Mom."

"Yung sinasabi ko sayo ah? Ok lang na may sweetness parin but remember na may villa ka ah?"

"Mom?"

"Yes?"

"Just for now. Please let me show her how much I missed her. Please Mom? Kahit ngayong araw lang."

Wala akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya. Kinakabahan ako. Papayag kaya si Mommy?

"Ok fine. Alam ko naman na pagdating sakanya kahit pa ano ang maging sagot ko..gagawin mo pa din ang gusto mo."

Napangiti ako ng wagas. "Thanks Mom!"

"Basta palagi mong tatandaan ang sinabi ko sayo ah?"

"Yes! Wag po kayong mag-alala."

"Ok. I need to go na, Son. Enjoy your day with her."

"I will." At ibinaba ko na ang cellphone.

Malapit na mag SAS at as usual late nanaman ako. Nagmamadali akong pumunta sa back stage at tiningnan kung nandun na siya. Wala parin. Wala akong nakikitang Julie Anne San Jose sa paligid.

"Where is she?"

"Nasa dressing room pa."

Napalingon ako sa likod ko. Si Janine. Nakangiti siya sakin. Ngiting nang-aasar.

"What?" Tanong ko sakanya.

"Wala naman. So? Ano na? Natupad na yung wish mo?"

Binigyan ko siya ng tingin na nagtataka. Anong wish?

"Dun sa farm." Sagot niya.

Oo nga pala, sa farm. Naalala ko na humiling ako na sana bigyan ako kahit isang araw lang para makasama ulit si Julie. Kahit ang makasama lang siya mag perform ulit at natupad yun. Natupad yun ngayon.

"Oo nga. Thank God."

"Goodluck later! Cheer ko kayo!"

"Wag ka muna magseselos ah? Haha!" Biro ko sakanya.

"Asa ka naman! Patayin pa ko ni Julie kapag inagaw kita sakanya tsaka umpisa palang wala na talaga! Wala na talagang chance sa atin."

Natawa ako. Lagi niya yang pinapaalala sakin. Ang sabi pa nga niya number one fan siya ng JuliElmo. Haha.

"Oo na. Teka, hindi pa ba siya bababa? Tinatawag na kami eh."

"Maya maya nandyan na yan. Mauna ka na baka pagalitan ka pa, makikita mo din si Julie kaya relax ka lang."

Ngiti nalang ang sinagot ko at umalis na papunta sa stage. Bago ako umakyat tinawag ako ng isang staff. Kinakausap niya ko ng makita ko si Julie na naglalakad. Papunta na siya sa stage at mukhang hindi niya ko napansin.

"Julie!" Tawag ko sakanya.

Lumingon siya sakin. Hindi pa ayos ang buhok niya pero grabe ang ganda. Hindi ako dapat magpahalata sa maraming tao na ganito ang nararamdaman ko. Kilig.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now