"Sissy"

6.5K 48 1
                                    

"Sissy"

"Elmo?"

Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.

"Good morning po Tito."

"Anong ginagawa mo dito? Wala naman si Julie ah?"

Napatawa naman ako. "Alam ko naman po yun Tito, may iba po akong rason kaya po akong nandito ngayon sa harap niyo."

Napakunot naman ako noo niya. "Ano naman yun? Ay. Pumasok ka muna pala sa bahay baka mamaya may makakita pa sayo dito."

Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ko. Katapat ko siya ngayon.

"Ano ba yun Elmo?"

Huminga muna ko ng malalim. "Tito, magpapaalam lang po sana ako sayo kung pwede..."

"Kung pwede?"

"Kung pwede ko po idate si Joanna ngayong birthday niya."

Napaubo naman si Tito Jonathan sa sinabi ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at ngumiti sakanya.

"Pakiulit nga yung sinabi mo iho? Idadate mo si Joanna? Teka nga!"

"Wait. Sandali lang po Tito. Mali po kayo ng akala. Hehe. Gusto ko lang po sana siyang ilabas. Hang-out lang."

"Pero bakit?"

"Gusto ko lang po sana siyang ipasyal kasi napapansin ko po na hindi na siya masyadong nakakalabas. Yung parang palagi lang po siya dito. Kung pwede po sana at kung papayag po kayo, gusto ko lang po siyang ipasyal at makasama ngayong araw. Bilang isang Kuya."

Nakita ko na nag-iisip si Tito. Kinabahan naman ako. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ko naisip ito pero gusto ko lang kasi siya makasama dahil sa mga kapatid ni Julie, si Joanna ang hindi ko gaano nakakasama. Si Jac naman ok pa kasi bata pa yan.

"Ok sige. Ipasyal mo siya."

Napangiti naman ako ng wagas.

"Talaga po Tito?"

Tumango siya. "Oo naman. Alam mo kasi sa tingin ko tama ka. Kailangan naman lumabas labas ni Joanna. Paano ba naman yang batang iyan parang may sarili mundo. Gusto niya na nag-iisa lang. Masaya na siya dun. Pakiramdam ko nga napapabayaan na namin siya eh."

"Hindi po yan totoo. Alam ko po kung gaano niyo pinoprotektahan ang mga anak niyo. Ramdam na ramdam ang pagmamahal niyo para sakanila."

Ngumiti siya sakin. Nagulat akong ng tumayo siya.

"Alam mo may naisip ako. Tutal, ipapasyal mo si Joanna diba? Ako nan ang maghahanda ng salo salo dito sa bahay. Surprise party para sakanya."

"Magandang ideya po yan Tito. Nasaan na nga po pala si Joanna?"

"Nasa itaas. Hintayin mo ko at tatawagin ko."

Umakyat si Tito at naiwan naman ako sa ibaba. Matapos ilang minuto bumaba na si Tito kasama si Jac at Joanna.

"Kuyaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Jac habang tumatakbo papunta sakin.

"Baby!" Kinarga ko siya kaagad.

"Hello Kuya! Anong ginagawa mo dito?"

"Dumadalaw lang."

Umupo naman si Joanna sa sofa. Nagkatinginan kami ni Tito. Binaba ko si Jac at lumapit kay Joanna. Lumuhod ako sa harap niya.

"Hi Joanna."

"Hi Kuya Elmo." Ngiti niya sakin.

"Pwede kang sumama sakin?"

JuliElmo One Shots (All in One)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora