"Halo halo"

2.3K 76 0
                                    

"Halo halo"

"Ito nanaman ba tayo?"

Humarap ako sakanya. Nakita ko nanaman ang nakakunot niyang noo. Nag-aaway nanaman kami dahil nagseselos nanaman siya.

"Moe, mag stop ka nga muna sa kakalakad mo! Nahihilo ako sayo."

"Bakit kasi kayo nanaman ang pinag partner? Ano bang problema nila?"

"Moe, wala akong alam dyan. Hindi ko din naman gusto yun eh."

Tumigil siya. "Tuwang tuwa naman siya. Nakapuntos nanaman siya sayo."

"Anong puntos ang sinasabi mo? Hindi ako baskeball o kung ano pang laro Mr. Magalona ah? Tigil tigilan mo ko."

"Pero kasi naman Julie..."

"Stop. If you can't handle seeing him with me then stop watching it. Nagpapaka childish ka nanaman eh. Nagpapaapekto ka sa simpleng ganun lang? Paano tayo babalik niyan kung nawawalan ka ng pag-asa at palagi mong dinadaan sa selos ang lahat."

Naglakad ako papasok sa dressing room. Naiinis kasi ako kapag ganun siya. Ilang beses ko ng sinabihan kaso ganyan pa din. Palaging nadadamay yung relasyon namin kapag nagseselos siya. Nag cellphone nalang ako at nakinig ng music. Mamaya uuwi na kami.

"Julie?"

Tinanggal ko yung earphone ko.

"Pa? Aalis na po ba tayo? Okay naman na po, wala naman na akong prod."

Umiling siya. "Anak, sabay ka muna kay Elmo ha? May pupuntahan kasi kami ng Mama mo."

"Po?"

"Oh bakit? Ayaw mo bang si Elmo ang maghatid sayo? Magsimba muna kayo bago kayo umuwi ha? Tska, akala ko ba may pupuntahan kayong dalawa? Yun daw ang sabi mo sa Mama mo kanina."

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Ahh. Opo. Sige po."

"Ganito ang set up ha? Magkita nalang dun sa place kung san kita binababa ah? Puntahan mo na si Elmo at sabihin mo yun."

Lumabas na si Papa. Napailing nalang ako. Humarap ako sa salamin.

"Paano ko naman siya kakausapin kung ang napasobra ako sa sinabi ko kanina?"

Inaamin ko nasobrahan talaga ako sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko naman gusto sabihin yun sadyang walang preno lang ang bibig ko kapag nag-aaway kami. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Nakita ko yung driver ni Elmo.

"Kuya!"

"Ma'am Julie. Akin na po yung bag niyo."

Binigay ko naman. "Kuya, itago mo ah? Baka may makakita po eh."

"Sige po, Ma'am."

"Uhm, si Elmo po?"

"Nasa dressing room pa po Ma'am kausap po si Miss Janine."

Bumaba na siya sa parking lot. Pumunta ako sa dressing room kung nasaan sila. Nakita ko na seryoso ang pinag-uusapan nila. Biglang napatingin si Janine sakin. Ngumiti siya.

"Hi Julie."

Napatingin naman si Elmo. Ngumiti ako kay Janine.

"Hi."

"Sige, una na ko. Elmo?"

Tumango lang si Elmo sakanya at tsaka nagbeso. Lumapit ako sakanya.

"Uhm..sayo daw ako sumabay sabi ni Papa."

"Nasabi na niya. Tara?"

Nauna na siyang lumabas sa dressing room. Ano ba yan! Wala man lang kaexpresyon yung mukha niya. Galit yan. Sumunod ako sakanya, akala ko nakababa na siya pero nasa labas lang siya. May kausap ata? Tiningnan ko kung sino. Gah. Si James.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon