"Survey"

1.1K 40 0
                                    


"Survey"

Headache.

Nakatingin lang ako sa screen ng cellphone ko ng mabasa ko yun sa twitter niya. Hindi pa rin siya natutulog. Pumunta ako sa kusina at uminom ng morning milk ko.

"Ang lalim naman ng iniisip ng anak ko, nahulog ba sa balon si Julie?"

Napatingin ako kay Mommy. Dumalaw siya sa condo ko.

"Hi Mom, Goodmorning."

"Goodmorning too, Son. So ano? Tama ba ko? Nahulog ba si Julie sa balon kaya malalim ka kung mag-isip?"

"Mom, pwede ako umalis today?"

"Are you going to see her?"

Umiling ako. "Not her."

Ngumiti si Mommy sakin. Pumunta siya sa ref at may kinuha doon. Nilapag niya yun sa harap ko.

"May nakita akong almonds sa grocery kahapon. Naalala ko na favorite niya yan. And meron din akong binili sakanya na vitamins. She needs that lalo na at palagi siyang puyat."

"Mom.."

Natawa naman siya. "Buti sana kung napupuyat siya dahil sa kakaisip sa anak ko eh hindi so kailangan nga niya yan. Go na kung saan ka man pupunta. Daanan mo nalang siya."

Ngumiti ako sakanya at niyakap siya. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at umalis na. Sana nandun siya. Nag park ako sa tagong lugar. Mahirap na.

"Manong!"

Ngumiti naman sakin ang kaibigan kong guard.

"Sir Elmo, sabado po ngayon ah? Wala pong klase si Ms. Julie."

"Hehe. Uhm, alam ko naman yun. Itatanong ko lang kung nandyan ang mga prof."

Tumango naman siya. "Nandyan po. May meeting po kasi ang mga prof mamayang 12. Sino po ba ang sadya niyo dito? Nandito po ba si Ms. Julie?"

Umiling naman ako. "Wala siya. Masakit ang ulo niya kakagawa ng thesis."

"Naku, ang sipag niya. Nung isang araw nga tinulungan ko siyang buhatin ang napaka daming libro na hiniram niya sa library."

"Pasaway kasi yun. Ayaw magpahinga. Hindi na ata niya kilala yun."

Tumawa naman siya. "Ipakilala mo po sakanya, Sir Elmo."

Nginitian ko naman siya. "Ipapakilala ko talaga sakanya."

"Pumasok na po kayo. Wala naman masyadong estudyante kasi maaga pa. Punta nalang po kayo sa office. Alam niyo naman po yun diba?"

Tumango naman ako. "Salamat ah?"

Pumasok na ko sa loob. Mabuti at maaga pa. Nakita ko ang office ng comm.arts. Kumatok naman ako. Nakita ko siya na nakatalikod.

"Excuse me po."

"Yes?"

At humarap siya sakin. Nakita ko na halos lumuwa ang mata niya. Nagulat ko ata.

"Elmo?"

Ngumiti naman ako. Pumasok ako at sinara ang pinto.

"Goodmorning po Sir Glen."

"Uh..u..upo ka. Upo."

At umupo ako. "Sir, this is not the first time we met."

Natatawa kong sabi.

"I know i know. Nagulat lang ako at nandito ka. It's been awhile since I saw you."

"Opo."

"Anong sadya mo? Wala dito si Julie."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now