"Japs and Moe"

9.7K 13 0
                                    

"Hindi ka ba kinakabahan o nangangamba man lang?"

Elmo : *lumingon sa likod niya* Alden?

Alden : Hindi ka ba kinakabahan o nangangamba man lang Elmo?

Elmo : Pinagsasabi mo? Tungkol ba sa opening? Ano ka ba ! hindi noh.

Alden : Hindi yun. *tinuro yung nasa ibaba ng hagdan* Ayun ang ibig kong sabihin.

Tumingin ako sa lugar kung saan nakaturo ang kamay ni Alden at nakita ko si Julie na kausap yung mga contestants ng Mr. Pogi. Kitang kita ko kung paano sila magpa cute kay Julie at sa totoo lang nakaramdam ako ng inis. Ayoko kasi na tinitingnan nila si Julie ng ganun.

Elmo : *kumunot yung noo*

Alden : Ang daming umaaligid kay Julie. Hindi ka ba natatakot na makuha siya sayo?

Elmo : Imposible naman mangyari yun.

Alden : Oi! anong imposible ka dyan! Sa ganda ni Julie? Sus! maraming lalaki ang pwedeng pumorma dyan!

Elmo : Basta! Hindi ko pa iniisip yan. *nag focus nalang muna sa pagkanta*

Alden : *bumulong kay Elmo* Alam mo kung ako sayo hindi ko hahayaan mawala sakin si Julie. *umalis*

Elmo : *tumingin kay Alden*

Naniniwala ako na hindi mawawala sakin si Julie. Alam ko yun at yun lang ang paniniwalaan ko. Pero hanggang kelan ko nga ba paniniwalaan yun? Eh wala naman akong karapatan sakanya dahil Love team lang niya ko. Isinantabi ko na muna ang pag-iisip tungkol sa amin ni Julie at nag focus nalang sa kakantahin ko. Yung totoo mamaya ko pa naman kakantahin toh gusto ko lang abalahin ang sarili ko dahil ayoko talaga sa nakikita ko. Napakunot nanaman ang noo ko ng makita ko na lumapit ang isang Feeling Pogi sa Japs ko. Mag papapicture atah. Napahawak ako sa braso ko baka kasi makasuntok ako ng tao ng wala sa oras. Biruin mo yun! inakbayan si Julie! bwiset talaga.

"Elmo"

Si Direk Mark.

Elmo : Hi po Direk. :)

Direk Mark : Malapit na kayong sumalang ready ka na ba?

Elmo : Ako pa! :)) haha.

Direk Mark : Good. :) Pakiligin mo ang mga fans niyo ni Julie ah? Alam ko naman na hindi ka magpapatalo sa mga yun. *turo sa mga Mr.Pogi* Kaya ikaw na bahala Elmo. Haha! :) *umalis na*

Shoot! ayun na! binigyan na ako ng basbas ni Direk para gawin kung ano man ang makakapag pakilig at magpapaganda sa magiging opening namin. Nagisip akong ng mabuti siyempre umandar nanaman ang pagkapilyo ko at kailangan ko din gumanti sa mga Feeling Pogi na umaaligid sa Japs ko. Napangisi ako sa naisip kong paraan at napatingin naman ako sa lugar kung nasaan si Julie. Nakita ko na nakatingin siya sakin at parang nagtataka atah siya kung bakit ako nangisi mag isa. Nilihis ko ang tingin ko sakanya tsaka umalis baka kasi mahalata ako. Haha!

Opening prod.

Kumanta si Julie at ang mga Mr. Pogi naman ay nagsasayaw sa paligid niya. Kitang kita ni Elmo ang mga pag-alalay at pag papacute na ginagawa ng mga lalaki na nakapaligid kay Julie pero imbis na mainis ay ay tumatawa lang ito. Ilang sandali pa ay lumabas na si Elmo. Bumaba siya galing sa hindi naman ganun na kataas na hagdanan.Kung titingnan mo mabuti para siyang siga na pinagilid ang mga taong nasa dadaanan niya para mapuntahan at makita ang babaeng nagpapatibok ng puso niya. Nilapitan niya si Julie at nginitian naman siya ng dalaga. Ang ngiti ni Julie ang isa sa mga kahinaan ni Elmo kaya parang nawala talaga sa katinuan ang pag-iisip niya. Dapat ay luluhod siya sa harapan ni Julie at hahalikan ang mga kamay nito. Yun ang plano niya. Alam niyang maraming matutuwa sa gagawin niya. Ready na siyang gawin yun. As in. Paluhod na nga siya eh yun nga lang…

JuliElmo One Shots (All in One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα