"Pyramid"

5.2K 50 2
                                    

"Pyramid"

"Hey! Mosey mosey!"

Napa-ngiti ako. Matagal din kaming hindi nagkita.

"Jas."

Tumayo ako at sinalubong siya. Nagbeso ako sakanya.

"Hey, kamusta? Ang tagal na din nung huli tayong nagkita ah?"

"Yeah yeah. Hindi na tayo nagkita simula nung..you know."

Tumango tango ako. "Yeah that. Hehe."

"What happened? You are so good together tapos matatapos lang ng ganun? 3 years din yun ah? Don't tell me nambabae ka?"

Biro niya sakin. Inakay ko siya sa malapit na upuan dun. Umupo kaming dalawa at nag kwentuhan na ulit.

"May mga bagay lang siguro na nangyayari kahit hindi mo inaasahan."

Napahawak siya sa bibig niya.

"OMG! So totoo na nambabae ka? Twi timer ka Moe! My gosh!"

Natawa nalang ako. Ang OA naman kasi ng reaksyon niya.

"Naghiwalay lang kami ibig sabihin nambabae na ako agad?"

"Bakit hindi ba?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako ng bigla may kumatok sa pinto.

"Jas!"

Napatingin kaming pareho sa tao na nasa pinto. Kitang kita ko ang wagas na ngiti ni Jasmine. Tumayo siya at naglakad papalapit sa taong yun.

"Hey babe!" Binigyan niya ito ng mabilis na halik.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."

Ngumiti si Jas. "Sorry. Nakita ko lang si Moe na nandito eh ang tagal na naming hindi nagkita so ayun.."

Ngumiti sakin si Sam. "Hey Bro!"

Kumaway ako sakanya. Tumingin ako sa bandang likod ni Sam. May tao kasi sa likod niya.

"Oww. Nakalimutan ko." Sabi ni Sam.

Hinila niya yung nasa likod niya. Napatayo naman ako kaagad. Nawala yung emosyon na bumabalot sakin kanina. Parang lahat ng emosyon na meron ako nawala lahat. Isa lang ang natira. Ang pananabik sakanya.

"Kasama ko si Julie. Wala kasi siyang kasama dun eh."

Tumingin ako sakanya. Nginitian niya ako. Parang nung dati lang. Yung ngiti na walang galit. Walang kahit anong sakit, yun ang nakikita ko ngayon.

"Hi Moe."

Ngumiti ako sakanya pabalik.

"Hi Julie."

Nagkatitigan lang kami. Napunta nanaman kami sa ibang mundo. Yung mundo na kaming dalawa lang ang nakakapunta.

"Moe!" Sigaw ni Sam.

"Hmm?" Nakatingin pa din ako kay Julie.

"Sayo muna si Julie ah? Wag mong iwanan baka mawala."

Napatingin ako sakanya. Ngumiti sakin si Sam ng nakakaloko. Napailing nalang ako at natatawa. Tumakbo sakin si Jasmine. Bumulong siya sakin.

"Siya yung babae mo noh?"

Napatingin ako sakanya.

"Hmm. I like her."

Napangiti ako. Naglakad na siya pabalik kay Sam at iniwan na nila kaming dalawa ni Julie. Nakatingin ako kay Julie. Nakangiti pa din siya sakin.

"Upo tayo?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon