"JAC"

9.2K 40 1
                                    

"JAC"

"Advance happy birthday, Baby sis." Pinaghahalikan ko si Jac sa mataba niyang cheeks.

"Ateeeee! Haha!"

Tumigil ako at ngumiti sakanya.

"So..anong gusto mong gift? Sorry baby ah? Wala ako sa mismong birthday mo."

Ngumiti siya sakin at yumakap.

"Ok lang yun Ate. Thank you kasi isa ka sa mga nag plano ng cute na cute kong birthday party."

"Hehe. Basta para sa kapatid ko lahat gagawin ni Ate. So ano na nga? Anong gusto mong gift?"

"Gift? Hmm." Nagisip pa ang bata.

"What?"

"Later Ate, sabihin ko sayo." At tumakbo na siya papalapit kala Papa.

Nagtataka naman ako. Ano kayang regalo ang gusto niya? Tinanong ko siya nung isang araw sabi niya basta. Tapos yung nakaraan ulit nagtanong ako ang sabi niya secret. Ano bang nasa utak ni Jac ngayon?

"Juls!"

Napalingon ako sa likod ko. "Cho! Musta dude?"

"Ayos lang naman. Ikaw ba?"

"Ayos lang din." At binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Umupo kami sa may bakanteng table dun. Pinapanuod namin si Jac mula dito. Ang bibo bibo talaga ng batang yan parang walang kapaguran.

"Si Elmo nga pala? Kamusta na kayo?"

Tumingin naman ako sakanya at bago ko sagutin ang tanong niya ay uminom muna ko ng tubig.

"Ayos lang." Yun lang nasagot ko sakanya.

"Diba nasa Japan siya?"

Tumango naman ako.

"Sayang wala siya dito noh? Hindi tuloy kumpleto ang birthday ni Jac."

"Teka, bakit parang interesado ka kay Elmo?" Biro ko sakanya.

"Baka nakakalimutan mo lang Julie Anne, fan ako ng loveteam niyo."

Bahagya naman akong napatawa dun. Loveteam? Tss.

"Wala na yun." Tapos tumingin ulit ako kay Jac.

"Oo wala na nga sa ngayon."

"May Janine na yon." Biro ko ulit sakanya.

"Selos ka naman?"

Tiningnan ko siya ng masama at sabay irap dito. Ako? Magseselos kay Janine? Wag na ui!

"Hindi noh."

"Denial Queen ka talaga kahit kelan. So, sinasabi mo ba na wala na talaga siya dyan?" Sabay turo sa noo ko.

Saan daw? Sa utak? Sa isip?

"Oo, minsan nga hindi na siya sumasagi sa isip ko. Tsaka ano ka ba Cholo, masaya kami noh. Ok kami at sapat na yun."

Nailing si Cholo bago siya ulit magsalita.

"Yan ba ang sinasabi ng isip mo sayo? Eh ano naman ang masasabi ng puso mo?"

Natahimik ako.

"Alam mo Julie, hindi porket yun ang nasa isip mo yun din ang nilalaman ng puso mo. Sinasabi ng isip mo ok lang,masaya na,sapat na pero baliktad naman sa puso mo. Hindi ka ok,hindi ka masaya at hindi sapat."

"Bakit mo naman nasabi yan? Hindi ako ok? Kami? Ok naman kasi magkaibigan kami. Masaya kami sa mga nangyayari sa buhay namin at sapat na yun para ilet go kung ano man ang nangyari nung past."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon