"Blooming"

1.6K 56 2
                                    


"Blooming"

"Barbara! Barbara!"

"Oh?"

"Tingnan mo si Julie oh. Grabe siya kung makangiti. Anyare dyan?"

"Ewan ko ba dyan. Ang alam ko bad mood yan kanina kaya lumabas at nung bumalik ayan na, nahanginan ata sa labas at hindi na natanggal ang ngiti sa labi niyan."

Narinig ko na usapan ni Valeen at Barbie. Hindi ko nalang sila pinansin kasi masaya talaga ako.

"Julie, may itatanong sana ako sayo."

Napatingin ako kay Valeen na nasa tabi ko na.

"Ano yun?"

Tinapik tapik niya ang balikat ko. Napakunot noo naman ako. Bigla siyang nagpakita sakin ng expresyon na parang nag aalala.

"Julie, are you on drugs."

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ko naiwasan na mahina siyang mahampas sa braso.

"Awww!"

"Ayan kasi! Macho pa namang yang kaibigan natin tapos gaganyanin mo? Matinde ka!"

Natatawang sabi ni Barbie.

"Ano ba yang pinagtatanong mo Valeentina?"

"Wala naman Hulyeta. Gusto ko lang malaman kung nasa katinuan ka pa ba kasi tingnan mo ah? Lumabas ka ng bad mood pagbalik mo good mood na? Anyare? Nahipan ka ng masamang hangin?"

Napailing nalang ako. "Grabe kayo sakin ah."

Tumayo ako at kinuha ang script na nasa may mesa doon. Sinundan naman nila ako.

"Huy! Bakit ka nga masaya?" Tanong ni Barbie.

"Masama bang maging masaya Barbara?"

Tumango naman silang dalawa.

"Oo lalo na kapag walang dahilan ang pagiging masaya mo."

Seryosong sabi ni Valeen. Hindi ko maiwasan ang matawa sakanilang dalawa.

"Alam niyo kayo siguro ang dapat kong tanungin kung naka drugs ba kayo? Ang dami niyong tanong eh."

"Wala ka naman kasing sinasagot."

"Hmm. Hindi naman masama na maging masaya diba? Diba nga dapat happy lang?"

"Oo dapat talaga happy lang pero bakit ka nga happy?"

"Uhm.."

"Baby girl, nandito na yung pinapabili mong salad."

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Napangiti ako kaagad ng makita ko siya na nakatayo doon sa mag pinto. Ang gwapo talaga niya. Sobrang gwapo.

"Hey, bakit tulala ka?"

Nasa harap ko na pala siya.

"Sorry. Uhm, thank you. Buti nakahanap ka?"

"Oo naman. Grabe naman kasi yung utos mo sakin. Maghanap ako ng salad sa mcdo? Oo baby, baka makahanap ako."

Natawa naman ako. Hinalikan ko ang pisngi niya.

"Thank you baby."

"Welcome."

Tumingin ako kay Valeen at Barbie. Ngiting tagumpay naman itong dalawang ito.

"What?"

Ngumisi sila.

"Ikaw ah, si Elmo naman pala ang dahilan kung bakit ngiting ngiti ka."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now