"Ghost"

2.9K 56 2
                                    

"Ghost"

Nagising ako ng makarinig ako ng ingay mula sa labas. Tumingin ako sa paligid. Madilim na. Gabi na kasi. Naglakad ako papalapit sa pinto ng makarinig ako ng kalabog.

"Ano yun.."

Pinakinggan ko. Wala naman akong naririnig. Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Kinuha ko ang cellphone ko.

"Umalis sila Mama?"

Agad kong tinawagan si Mama.

"Hello Ma?"

"Oh anak? Gising ka na pala. Pasensya ka na at iniwan ka namin ah? May bibilhin lang kami sa labas."

"Ma, matatagalan pa po ba kayo? Mag-isa lang po ako. Natatakot ako."

Narinig ko na natawa si Mama.

"Anak naman. Nanunuod ka nga ng mga Horror movies eh. Uuwi din kami kaagad."

"Ok po."

Binaba ko ang cellphone ko sa tabi ko. Hihiga sana ako ng makarinig nanaman ako ng ingay sa labas. Ano na yun? May nakapasok na ba sa bahay namin? Lumapit ako sa pinto. Ok. Kaya ko toh. Kung magnanakaw man yan, ready akong labanan yan. Macho kaya ako.

"Game."

Lumabas ako. Madilim sa labas. Bubuksan ko sana yung ilaw ng maalala ko na nasa ibaba pala ang bukasan. At biglang may ingay nanaman akong narinig. Kinabahan ako. Kinuha ko yung payong at dala dala ko yun habang bumababa.

"May tao ba dyan?"

Walang sumasagot. Nakarating ako sa ibaba. Kinakapa ko yung bukasan ng ilaw habang nakatingin sa paligid ko. Binuksan ko yun at nakita ko na may nakaitim na lalaki sa may kusina.

"Waaaaaaaaaaah!"

Namatay ulit yung ilaw. Hindi ko ata naayos ang pagbukas. Tumakbo ako paakyat sa hagdanan ng bigla akong madapa.

"Aww."

Hinihimas ko ang tuhod ko ng makarinig ako ng boses.

"Julie Anne.."

Napapikit ako at napakapit ako sa hawakan ng hagdanan.

"Opo. Alam ko na nanunuod ako ng nakakatakot pero ang totoo niyan natatakot talaga ako. Please wag niyo po akong sasaktan. Masyado na po akong maraming nararanasan na sakit ngayon wag na po kayong makidagdag. Hindi ko pa rin nasasabi kay Elmo na kahit gago siya mahal na mahal ko parin siya. Please po.."

Nakarinig ako ng tawa.

"Kung totoong multo ang nakaharap mo? Sigurado na matatawa yun sayo."

Hindi ko binuksan ang mata. Ano ba yang multong yan! Nang-aasar pa.

"Buksan mo nga yang mata mo, Julie Anne."

"Ayaw! Sino ka ba? Bakit kilala mo kong multo ka ah?"

Tumawa nanaman siya.

"Artista nga malamang kilala kita."

Oo nga noh. "Ehhh. Basta! Umalis ka na. Iwan mo ko."

"Ayoko nga."

"At baket?" Ang tapang ko naman. Inaaway ko ang multo.

"Hindi kita pwedeng iwan. Hindi ko pwedeng iwan ang mahal ko. At tsaka diba sabi mo, sasabihin mo pa sakin na kahit gago ako, mahal mo pa rin ako?"

Minulat ko ang kanang mata ko. Madilim ba din pero nakikita ko ang taong nasa harap ko. Pareho kong minulat ang aking mata. Kahit madilim, malinaw sakin kung sino ang lalaking kaharap ko. Nakikita ko na nakangiti siya sakin. Nakikita ko sa mata niya ang sarili ko. Ako lang. Walang iba.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now