"Thesis"

1.1K 39 0
                                    


"Thesis"

"Hot milk for my angel."

Tumingin naman siya sakin. Nakita ko sa mata niya ang pagod. Ngumiti siya ng pilit sakin. Nakakaawa na ang mahal ko.

"Tired?"

Tumango naman siya. Nilapag niya ang libro na hawak niya.

"Super."

"Matatapos mo din yan."

"I hope so. Ngarag na ko."

"But still you are so maganda."

Napangiti naman siya.

"And still you are so conyo. Sorry kung hindi na kita napagtutuunan ng pansin ah?"

"It's okay. Alam ko naman na kailangan mong tapusin ang thesis mo. But don't stress yourself too much. Makakasama yan sa health mo."

Hinaplos niya ang mukha ko.

"Thank you, Baby."

"Welcome Angel."

Bumalik muna mo sa kusina para paghandaan ang dinner namin. She's here at my condo. Dapat mag hahang-out kami. Napag usapan na namin yun. Movie marathon and games. At kung ano ano pa ang gagawin dapat namin ngayon pero bigla namang tumawag ang mga classmate niya at sinabi na need nilang mag focus sa thesis. Kaya heto, ang ending namin, gumagawa siya ng thesis sa condo ko. Nag p-prepare ako ng ingredients ng may tumawag sakin.

"Hey Maq. Napatawag ka?"

"Good thing sinagot mo. Tinatawagan ko kasi ang bestfriend ko nag girlfriend mo. Wala daw siya sa bahay so alam na, she's with you?"

"Yeah. But she's busy at the moment. Ewan ko nga kung nagkakaroon pa siya ng pahinga."

"Haynaku. Anyway, nangangamusta lang ako. Namimiss ko na kasi siya. Bumili kasi ako kanina sa itunes ng forever niyo."

Natawa naman ako.

"Adik ka talaga, Maq."

"Asus. Teka, bawal ko ba siyang makausap man lang?"

"Hmm. Pwede naman kaso sandali lang dahil busy siya."

"Pssh. Next time na nga lang kapag nakatapos na siya. Tell her miss ko na siya."

"I will."

"Eh ano naman ang ginagawa mo ngayon kung busy ang bestfriend ko?"

"Nganga."

Natawa naman ng malakas si Maqui. Ganun din naman ako.

"Baliw. Kung ako sayo, babawasan ko ang stress ng bestfriend ko."

"Like what?"

"Cook her favorite food. Alam mo naman na kailangan niya ng energy. Then kung kaya mo tulungan mo siya. Go na matalino ka naman. Tapos entertainment. Kantahan mo. Basta yung hindi siya mabuburyo sa kakagawa ng thesis niya."

Napangiti naman ako. May point naman si Maqui. Good thinking.

"Thanks Maqui. Noted!"

Matapos ang pag-uusap namin agad akong nagluto ng favorite pasta ni Julie with garlic bread. Alam kong magugustuhan niya ito. Naghanda na din ako ng fruits. Dinala ko naman yun sakanya. Nagulat naman siya.

"Oh, ang aga naman ng dinner natin?"

"Okay lang yan. You need to eat. Kailangan mo ng lakas."

"Thank you, baby. Pero pwede bang later nalang?"

"Nope. Now na. Masarap yan."

Napabuntong hininga siya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now