"Puno"

1.4K 50 0
                                    

"Puno"

"I'm letting you go."

"Please, no."

"We need this."

Umiling ako. "No. I need you. Please stay."

Hinawakan niya ang kamay ko. Hinaplos niya ang mga luhang pumapatak sa aking mata.

"Makakaya natin ito. Maybe someday, someday..baka pwede na tayo."

"Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin."

Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti.

"Kaya mo."

"Please.."

Bago pa ako makapag salita, binigyan niya ko ng halik sa labi. Pinaramdam niya sakin kung gaano niya ko kamahal. Hanggang sa huling pagkakataon. Tumingin ako sa sakanya. Gusto ko siyang makita pero ayaw ng mga mata ko. Nanatili lang silang nakapikit.

"Why do you have to say goodbye?"

Sabi ko matapos ang halik na pinagsaluhan namin.

"Because I'm leaving."

Unti unti kong minulat ang aking mata. Wala na siya. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko.

"Kuya!"

Napamulat ako ng mata. Nakita ko si Arkin. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa kotse pa din kami.

"Kanina pa ko nagsasalita tapos matutulog ka lang?"

"Sorry."

Nilapit niya ang mukha niya sakin.

"Umiiyak ka ba Kuya?"

Hinawakan ko ang mata ko. Naramdaman ko na may luha nga doon. Pinunasan ko naman yun.

"Bad dream?"

"Yeah."

"Nakakatakot?"

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Nakakamatay."

Natawa naman siya. "Naku, baka bangungot na yan, Kuya?"

Hindi ko na siya sinagot. Inalala ko nanaman yung panaginip ko. Totoo yun. Nakakamatay na panaginip. Panaginip na hindi matapos tapos. Panaginip na kahit sa realidad nararanasan ko.

"Nandito na tayo!"

At bigla namang bumaba si Arkin. Bumaba na din ako. Sinampal sampal ko muna ang sarili ko. Gising Elmo. Gumising ka na. Tumingin ako kung nasaan ang magaling kong kapatid. Nakita ko siya na ngiting ngiti. Lumapit ako sakanila.

"Hi Kuya."

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Hi Joanna. Ate mo?"

"Pababa na yun, Kuya. Pasok muna kayo."

"No, hindi na. Dito ko nalang siya antayin."

Ngumiti naman siya sakin.

"Kung ayaw ni Kuya, ako nalang papasukin mo pero hindi sa bahay niyo kundi dyan sa puso mo."

Natawa naman si Joanna. Napailing nalang ako sa sinabi ni Arkin. Ang corny.

"Ang corny mo."

Inirapan naman niya ko.

"Joanna? Nandyan na ba si Kuya Elmo mo?"

Napatingin kami sa may taas ng hagdanan. Napatulala ako sa ganda niya. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya sa bago niyang gupit. Masasabi ko na maganda nga ito. Nung una kasi nagalit ako dahil mas gusto ko sakanya na mahabang buhok pero bagay naman pala sakanya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now