"White Butterfly"

10.8K 31 0
                                    

"Excited son?" Napatingin si Ms.Pia sakanyang anak na nakatingin sa malayo na ngumingiti pa mag isa. Nilapitan niya ito at niyakap. "Papa and I is so so..so proud of you."

Yumakap naman pabalik si Elmo. "Thanks Mom. I love you both, you and Pop." Kumalas naman si Ms.Pia sa yakap nila at nagpunas ng luha.

"Ok, be ready malapit lapit na ang oras. Titingnan ko muna yung mga kapatid mo sa labas." At umalis na si Ms.Pia. Naiwan si Elmo sa isang kwarto doon. Hawak niya ang cellphone niya at tinitingnan ang wallpaper niya. Napangiti siya.

"Thanks Pop." Lumabas siya sa kwartong yun at nakita niya agad ang kanyang mga kapatid. Lahat sila niyakap si Elmo at binati ito. Maya maya nagsimula na sila. Excited ang lahat sa surpresa ni Elmo para sa lahat. Isa itong music video. Music video kasama ang kanyang Ama.

"Goodjob Bro! Pop is so proud of you" sabi ni Frank. Sabay tapik nito sa kapatid. Naiiyak naman lahat ng taong nandun lalo na si Ms.Pia. Ang mga tao naman dun ay nakikisabay sa kanta yung iba naman nakikisabay sa pag iyak ng Magalona. Natapos ang panunuod at talaga namang nakakamangha ang MV na yun. Pinalakpakan nila ito at binati ang mga Magalona.

"Moe!" Napalingon si Elmo ng may tumawag sa pangalan niya. Ngumiti naman siya at nakipag beso pa dito.

"Hi Lo! Buti nakaabot ka? Sino kasama mo?"

"Siyempre naman aabot talaga ako kasi kung hindi malalagot ako sa mga Ate mo. Haha! Si Alden. Siya kasama ko may taping pa kami after this gusto ko lang kayo suportahan." Sabi ni Lauren.

"Thanks Lo! Nice! Nasaan naman si Alden? Nag eenjoy ba kayo?"

"Ou naman! Pinuntahan ko kasi si Saab! Nandun si Alden nakaupo. Congrats nga pala ah?! Galing mo!"

Ngumiti si Elmo. "Salamat!"

"Puntahan ko muna si Alden dun walang kasama eh! Hahaha!"

"Sure! Enjoy ah?" At umalis na si Lauren. Pinapanuod ni Elmo ang mga kapatid na ngayon ay nasa harapan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad siyang pumasok sa kwarto at sinagot ang tawag. Hindi muna siya nagsalita, hindi din nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Napangiti lang si Elmo at pinakinggan lang ang paghinga ng kausap. Maya maya....

"Every color and every hue, Is represented by me and you, take a slide in the slope, Take a look in the kaleidoscope, Spinning' round, make it twirl in this kaleidoscope world..."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Elmo. "I missed your voice." Napatawa naman ang kausap niya sa kabilang linya.

"Ganun? Boses ko lang ang namimiss mo?" Medyo may pagtatampo ang boses.

"Missing you so badly, i miss everything about you, come back please. Feeling ko magkakasakit ako kapag hindi pa kita nakita."

"Oww, kawawa naman ang baby Boy ko." Natatawang sabi niya.

"Seryoso ako, please umuwi ka na Julie."

"Hindi pa nga ako nag coconcert pinapauwi mo na ko. Haha! Malapit na konti nalang. Tiis tiis lang. Anyway, kamusta?."

"Ok naman, Masaya, natuwa naman silang lahat sa video namin ni Pop." Umupo si Elmo sa sofa.

"Good to hear that." Masayang sabi ni Julie. "I'm so proud of you, Moe. Sana nandyan ako to support you."

"Your voice is enough." Napangiti naman si Julie. Natutuwa si Elmo kasi alam niya na madaling araw palang ngayon sa lugar kung nasaan si Julie pero nagawa parin niyang tumawag sakanya para lang bumati. Tumahimik sila pareho, hobby na nila yun ang tumahimik pero masaya sila kasi naririnig nila ang paghinga ng bawat isa.

"Julie.."

"Hmm?"

"Bago mawala si Pop, may isang pangako ako na sinabi sakanya bago siya ilibing. Sabi ko na gagawin ko ang lahat para maging proud siya sakin..na ipagpapatuloy ko ang legacy niya." Naririnig ni Julie ang nanginginig na boses ni Elmo. Ramdam niyang umiiyak ito. "Tapos...habang pinapanuod namin yung MV kanina..naalala ko yung sinabi niya sakin.."

"Ano naman yun?" Pinipigilan ni Julie ang sarili niya na maiyak. Naiiyak siya kasi masaya siya para kay Elmo, naiiyak siya kasi wala siya ngayon sa tabi ni Elmo.

"Sabi niya sakin humanap ako ng inspirasyon. Siya. Si Pop ang naging inspirasyon ko simula nung sinabi niya sakin yun at nung nawala siya..." Napangiti si Elmo. "Binigay ka niya sakin. Dumating ka sa buhay ko." At napaluha na si Julie. "Kanina, bago ako pumunta dito dumaan ako sakanya, nagpasalamat ako." Narinig ni Julie na tumawa si Elmo.

"Bakit ka natatawa?"

"Wala wala." Pinunasan niya ang luha niya sa mata.

"Alam mo kung nasaan man ngayon si Sir Francis M. Sure na sure akong proud siya sayo. Proud siya kasi nagkaroon siya ng anak na katulad mo."

"Don't call him Sir."

"Eh ano ba ?"

"I'm sure gusto niyang tawagin mo siyang Papa."

"Siraaa! Haha! Bakit mag asawa na ba tayo?"

"Soon" natawa naman si Julie.

"Moe?"

"Yes?"

"Mahal kita" at natahimik si Elmo sa sinabi ni Julie. Madalas kasi na siya ang unang nagsasabi ng I love you o kaya naman Mahal kita.

"Mas Mahal Kita" seryosong sabi ni Elmo. "Mahal na mahal"

Napangiti si Julie. Masaya siya na masaya si Elmo at masaya siya dahil alam niyang parte siya ng sayang yun.

"You should get some sleep, My Girl."

"Yeah...see you in my dreams? My Boy?"

"See you. Love you" at binaba na niya ang cellphone. Tiningnan niyang muli ang wallpaper ng cellphone niya. Si Julie yun. Naalala niya ang nangyari sa sementeryo kanina nung dinalaw niya ang Pop niya. Tulad bg sinabi niya nagpasalamat siya dito at nakipag kwentuhan sandali tapos napangiti siya ng maalala ang tanong niya sa Pop niya. Tungkol kay Julie.

"Pop, nakilala ko na po ang right girl for me. She changed me and i can proudly say that I'm a better person now at salamat sakanya...Pop, i want to spend my Forever with her, agree po ba kayo? Hehehe! Mahal na mahal ko po siya and i want you to meet her, dadalhin ko siya dito next time na dadalaw ako sayo. Sana tanggap mo siya para sakin. Sign naman dyan Pop! Haha! Sige na po Papa! Need to go! I'll see you soon. Love you Pop!"

Bago umalis si Elmo nakaramdam siya ng hangin na bumalot sa katauhan niya. Para siyang niyayakap nito. Maya maya may isang paru paro na dumapo sa balikat niya. Napangiti siya.

"Thank you for accepting her Pop! Alam ko na ikaw and dahilan kung bakit ko siya nakilala at kung bakit siya dumating sa buhay ko. Lakas mo talaga kay lord! Love you Papa!"

At nagbalik sa sarili si Elmo. Tinitingnan pa din niya ang wallpaper niya.

"Mahal kita, sobrang mahal kita" sabay halik dito.

"Elmo, hinahanap ka nila sa labas" sabi ng Mama niya.

"Yes Mom." Nilapag niya ang cellphone niya sa mesa at lumabas. Maya maya may puting paru paro na dumapo sa cellphone niya. Makikita mo pa din ang wallpaper ni Julie dun. Tanda siguro yun na masaya ang Papa ni Elmo dahil nahanap nito ang tamang babae para sakanya. Babae na magpaparamdam sakanya ng tunay na pagmamahal tulad ng pagmamahal niya sakanyang anak.

The End.

-eeeeeeeei! Nakakaproud si Elmo!!! Huhuhu! Naiiyak ako! Enjoy po! Sorry meju sabaw

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon