"Wildest Dream"

1.6K 64 3
                                    

"Wildest Dream"

"Wait! Hahaha! Teka!"

"Tss. Wag ka kasing makulit dyan. Hindi tayo matatapos eh."

"Eh sa nakikiliti ako eh."

Inirapan naman niya ko. "Hindi na nga pantay eh. Pigilin mo muna."

At pinigilan ko ang pagtawa ko. Nandito siya ngayon sa bahay. Nilalagyan niya ng nail polish ang paa ko. Hindi ko alam na sa pagsugod niya dito ay hahantong kami sa ganito. Pinagmamasdan ko siya habang seryoso siya sa paglalagay ng nail polish. Naalala ko tuloy..

"Cut!"

Napasandal ang noo ko sa noo niya. Ramdam ko na pareho kaming nakapikit ngayon.

"Julie and Elmo! Ang galing talaga. Ang ganda ng chemistry niyo. Good take. Sige na pack up na para naman makapag pahinga na kayo Beto at Nyel."

Sabi ni Direk Mac bago siya umalis. Nagkatinginan kami ni Elmo. Nandito kami ngayon sa lugar kung san maraming fireflies. Isang eksena namin sa JOS.

"Nice take.." Sabi niya.

Alam ko sa sarili ko na nahihiya ako ngayon sakanya. Paano ba naman malapit na maglapat ang labi namin.

"Oo nga.."

Inangat niya ang baba ko para makatingin sakanya. Ngumiti siya sakin.

"Elmo!"

At bigla naman siyang nagtatakbo habang tumatawa. Napahawak ako sa labi ko. Bigla niya kong hinalikan sa labi.

"Baliw talaga. Hoy! Bumalik ka dito!"

Huminto naman siya. "Bakit? Gaganti ka?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Magnanakaw ka ng halik!"

Ngumisi naman siya sakin. "Nabitin ako eh. Epal kasi si Direk. Bakit ba kasi hindi pwedeng kunan na kaagad ang paglapat ng labi natin? Wala namang mawawala satin."

Napailing nalang ako. "Ewan ko sayo, Elmo."

Natawa naman siya at inakbayan ako. Napangiti naman ako at kiniliti ko siya. Tawa siya ng tawa. Kahinaan niya yan eh.

"Wait..hahaha! Julie! Hahaha"

Napahiga kami sa damuhan. Nakita namin na ang daming stars ngayon.

"Ang saya." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Mas masaya talaga ako kapag ikaw ang kasama ko."

Napatigil ako. Naalala ko. May girlfriend ang bestfriend ko. Ang bestfriend ko na mahal na mahal ko. Napalayo ako ng tingin. Hindi na lihim kay Elmo na mahal ko siya. Na gusto ko siya. Halata din naman sa kinikilos ko. Babae lang ako. Madaling mahulog at pwedeng masaktan sa ginagawa ko.

"Julie.."

Hindi ko siya tiningnan. Naramdaman ko na hinawakan niya ko sa pisngi kaya napatingin ako.

"Totoo ang sinabi ko. Mas masaya talaga ako kapag ikaw ang kasama ko."

"Hindi pwede ang nararamdaman mo. May girlfriend ka."

"But.."

Umupo ako. Pilit akong ngumiti sakanya.

"Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hindi naman ako humihingi ng kapalit.."

"Julie.."

At biglang nag ring ang phone niya. Nakita ko kung sino ang tumawag. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Tinawag niya ko pero hindi ako lumingon.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now