"Dahan dahan"

4.6K 40 0
                                    

"Dahan dahan"

"HAHAHAHAHAHA"

"Oh? Bakit natatawa ka? Totoo naman yung sinasabi ko ah?"

Napailing nalang ako. Sumasakit ang tyan ko sa kakatawa sa pinag-uusapan namin.

"Ok ok. Seryoso na ulit. Hindi ko maimagine na ganun talaga ako noh? At hinayaan kitang gawin sakin yun?"

Ngumisi siya. "Ikaw eh. Mabagal ka kaya ako na ang gumawa ng move. Ayos naman diba? Naging maganda ang First time natin."

Tumango ako. "Oo nga eh. Hindi ko alam na ganun ka pala. Nahihiya nga ako sayo eh at hinayaan ko na ikaw ang gumawa ng unang move sa ating dalawa. Ako kaya ang lalaki."

"Sus. Ayos lang yan noh."

"Hmm, masaya ba ang first experience mo with me? Unforgettable ba?"

Tumingin siya sa mga mata ko. Ngumiti siya, yung nakakainlove na ngiti.

"Oo. Napaka unforgettable nun. Parang ang sarap ulit ulitin."

Ngumisi naman ako sakanya. "Gusto mo ulitin natin? Ulit..ulit..ulitin? Masaya yun for sure."

"I like that. Gusto ko din. Kasi alam mo yung mga sumunod na experience nating dalawa nakaramdam na ko ng sakit hindi katulad nung first time natin. Ikaw kasi eh. Ibang klase ka. Sige lang ng sige walang pahi-pahinga."

Tumingin ako sa ibang direksyon. Nakangiting inaalala ang mga nangyari. Naalala ko din yung sinasabi niya.

"Sorry ah? Patawarin mo ko kung nasaktan na kita nung mga sumunod na experiences natin. Hindi ko namalayan na nasobrahan na ko."

Ngumiti siya sakin. "Ayos lang basta sa susunod na mga experience natin, dahan dahan na ha?"

Tumango ako. "Dahan dahan lang."

"Dapat lang kasi masakit pala kapag hindi dahan dahan. So next time na mangyari ulit yun sa atin, dahan dahanin lang natin para hindi ako nasasaktan."

"Oo naman. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan eh. Ang hirap din kaya sa part ko. Ang dami kong binubuhos na effort para sa ating dalawa. Nakakapagod pero kapag iniisip kita, worth it ang pagod ko."

"Totoo?" Tanong niya.

Tumango naman ako ay ngumiti sakanya.

"Oo naman. Ikaw pa ba?"

Ngumiti din siya sakin. "So kapag bumalik na tayo at nagsama ulit sa isang proyekto, alam na natin ang gagawin? Dahan dahan lang. Walang rush. Just enjoy the flow."

"Yes. Walang rush. Hindi na natin mamadaliin ang lahat sa atin. Step by step. Back at one. Ulitin natin yung nangyari sa atin 4 years ago. Enjoying the ride of our tandem. Young, inlove, and free."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's make this work. Once again."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"I'm ready to start a new chapter with you."

"This time, slowly."

Ngumiti siya sakin. "Slowly."

Hinalikan ko siya sa noo. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Napakatamis naman."

Napatingin kaming pareho sa likod namin. Ngumiti kaming pareho.

"Direk Mac." Sabay naming sabi.

Ngumiti siya sa amin. "Ngayon naniniwala na ako sa kasabihan na..Ang tamis ng unang pag-ibig. At sa kantang Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."

Natawa naman kami kasi kinanta pa talaga ni Direk.

"So ano? Bumalik na ba?"

Tumingin ako kay Julie. "Hindi naman nawala eh. At mukhang hinding hindi na mawawala pa."

"Paano mo nasabi?"

"Kasi ang laki ng pwesto mo sa puso ko."

Natawa naman siya. "Ang corny mo Moe."

"Hayy. Pag-ibig nga naman. Love is in the air. Makaalis na nga at baka makaistorbo pa ko sainyo. Mukhang gusto niyo magsolo at ayaw niyong sumama sa mini flashback party natin."

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Hehe. Babalik din po kami dun Direk."

Ngumiti siya sa amin at naglakad na palayo.

"Ohh. Sandali lang."

"Ano po yun Direk?" Sabay naming sabi.

Ngumiti siya. "Happy 2nd Anniversary Beto and Nyel."

At umalis na siya. Tumingin ako kay Julie. Nakatingin din siya sakin. Hinawi ko yung buhok na napupunta sa maganda niyang mukha. Inilagay ko yung malapit sakanyang tenga. Hinaplos ko ang kanyang malambot na pisngi. Kinurot ko yun pero mahina lang, dahilan para matawa siya ng mahina.

"Nagpapasalamat ako kasi ikaw ang gumawa ng unang move sa ating dalawa. Kung hindi mo ginawa yun hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na lapitan ka na parang ganito.."

Lumapit pa ako sakanya ng sobrang lapit. Magkadikit na ang balat namin.

"Hawakan ka ng ganito.."

Hinawakan ko siya sa mukha. Bawat parte ng maganda niyang mukha hinawakan ko. Ilong,mata,kilay,pisngi, at..

"Halikan ka ng ganito.."

Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Nakipag nose to nose ako. Hanggang sa nilapat ko ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko ang kamay niya na umakyat sa batok ko. Inilapit pa niya ko sakanya. Lumalim ang halikan namin. First time namin gawin ito. Nang matapos ang halik namin, ngumiti kami sa isa't isa.

"Another new experience with you, Mahal ko."

Natawa siya sa sinabi ko. "Oo nga. I'm learning new different things with you. Ganyan ba yung ginawa mo sa #Y?"

Umiling ako. "Wala namang involve na feelings dun so nung hinalikan ko siya parang wala lang. Yung ginawa kasi natin ngayon, merong feelings kaya mas ramdam na ramdam ko."

Napailing nalang siya habang nakangiti. Bakit ang ganda ganda ng Julie ko?

"Mahal ko tong lugar na ito."

"Why?" Tanong ko.

Tumingin siya sa paligid. "Kasi dito talaga tayo nagpakatotoo sa nararamdaman natin. Yung kahit umaarte tayo bilang si Nyel at Beto, mararamdaman mo na si Julie at Elmo talaga yun."

"Hopeless romantic?" Sabi ko.

"Hahaha. Pwede."

Tumayo ako at itinayo ko din siya.

"Babalik at babalik tayo dito para palagi nating maaalala yan."

Tumango siya. "Madilim na. Maglalabasan na yung mga alitaptap."

"Hintayin natin?"

"Hintayin natin."

Naghintay kami na lumabas yung nga alitaptap. Habang naghihintay kami hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Si Julie na mahal ko. Si Julie na kahit ilang beses ng nakaramdam ng sakit ng dahil sakin at sa sitwasyon namin ay nananatiling matatag. Dahil siguro naniniwala siya sa amin. Sakin. At sa love na meron kami. Hindi ko gusto na paghintayin pa siya ng matagal pero kung mangyayari man yun, sana mahintay pa niya ko.

"Julie.."

"Hmm?"

"Ayoko na pala ng dahan dahan.."

Tumingin siya sakin. "Ha? Bakit?"

Ngumiti ako at mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

Ayoko na ng dahan dahan..

Bibilisan ko na para makasama na agad kita.

Hintayin mo ko...

"Mahal kita Julie Anne San Jose. Just wait. I'll do the first move this time."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now