"See you soon"

9.9K 25 0
                                    

"See you soon"

Makulit ako. Oo. Pasaway ako. Oo. Bakit ko nasabi? Kasi nandito ako ngayon sa shoot eh diba kakagaling ko lang sa sakit?

"What are you doing here?" Napalingon ako sa likod ko.

Elmo. Wala siya sa tabi ko nung mga araw na may sakit ako pero walang araw na hindi niya ko kinamusta. Palagi siyang tumatawag sakin. Palaging nagpapadala ng fruits at flowers.

"Hello." Nakangiti kong sabi sakanya.

"I said..what are you doing here?" Grabe naman! Ang seryoso naman ng mukha niya. Akala ko pa naman magiging masaya siya at nagkita kami kaso hindi naman pala.

"Photo Shoot." Simple kong sagot.

Umupo siya sa harap ko. Tinitingnan niya ko maiigi. Ano bang problema nito?

Umiling siya. "Umuwi ka na."

"Ha?"

"Sabi ko umuwi ka na."

Bakit naman? Magaling naman na ko ah?

"Ok naman na ko."

Lumapit siya sakin at hinawakan ang noo ko. Everytime na ginagawa niya yan hindi ko maiwasan na kiligin. Haplos palang niya nakukuryente na ko.

"Wag ka nga, Julie."

"Moe, seryoso nga ako. Ok lang ako promise."

"Ang tigas tigas kasi ng ulo mo eh. Hindi ka ba talaga makikinig sa mga taong nasa paligid mo?"

Galit na siya. Lagot ka.

"Moe.."

"Bahala ka. Sinasabihan lang kita, Julie Anne. Kung ayaw mong makinig di wag." At tumalikod siya at naglakad papalayo sakin.

"Moe!" Hindi na siya lumingon.

Lagot! Ang hirap pa naman niyang suyuin. Paano na toh? Paano ako magpapaliwanag? Tumayo ako at sinundan siya. Nakita ko na kausap siya ng isang staff dun.

"Moe."

Nilingon niya ko. Ngumiti ako sakanya. Umalis yung isang staff tapos kumapit ako sakanyang braso.

"Sorry na.."

"Umuwi ka na, Julie."

Umiling ako. "Ayaw mo bang maniwala na ok lang ako?"

"Ayaw."

"Bakit?"

"Dahil yun ang totoo. Hindi ka pa okay, bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? Pinag-aalala mo ko."

Nag Pout ako.

"Wag mo kong daanin sa pagpapa cute mo."

"Hindi naman ako nagpapa cute eh. Promise! After this shoot, uuwi na ko. Magpapahinga ako agad agad. Hindi ka ba masaya na makita ako?"

Hinila niya ko papunta sa may upuan. Inupo niya ko dun at pagkatapos lumuhod siya sa harap ko.

"Masaya ako pero mas gusto kong nagpapahinga ka nalang sa bahay."

"Pangako ko naman sayo eh..pag tapos na ito uuwi na talaga ako. Namimiss na kaya kita." Sabay hawak sakanyang pisngi.

Tumango tango siya at napabuntong hininga.

"Fine."

"Yey!" At niyakap ko siya.

"Wag na matigas ang ulo mo, ok? Kundi.."

"Kundi ano?" Tinaas ko ang kilay ko.

"Kundi..itatali kita."

Natawa ako. "Weh?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now