"Bulong"

1.1K 50 0
                                    

"Bulong"

Naglalakad ako sa may hallway ng mapansin ko na maraming tao sa isang kwarto dun. Napakunot noo naman ako. Ano ba ang meron?

"Excuse me, anong meron sa loob?"

"Ui, Sir Elmo? Kayo po pala. Presscon lang po para sa Sunday Pinasaya."

Sunday Pinas Saya? Tiningnan ko kaagad ang cellphone ko at nakita ko na nagtext si Julie sakin. Mas sumilip pa ako sa loob, hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Nagbulungan sila ni Alden.

"Ang saya saya mo ah.."

Bulong ko. Nakita ko na napatingin si Ate Marian sakin. Ngumiti siya sabay kuha ng cellphone. Hindi ko na siya pinansin kasi nakatutok na ang mata ko kay Julie. Bigla niyang kinuha ang cellphone niya tska tumingin kay Ate Marian. Tumingin siya sa gawi kung nasaan ako.

"Moe.."

Walang boses na nanggaling sa bibig niya. Paatras ako kung maglakad. Ayoko ng nakita ko. Hindi ako prepared. Nang makalabas na ko agad akong nagmadali palayo sa kwarto na yun.

"Elmo! Elmo!"

Napatingin ako sa tumatawag sakin.

"Ma?"

"Grabe ka. Ang bilis mo namang maglakad."

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry, Ma."

Pilit siyang ngumiti sakin. Hinila niya ko papunta sa isang sofa doon malapit sa elevator.

"Kamusta ka na?"

"Okay naman po, Ma."

"Mabuti kung ganun. Kayo ba ni Janine? Okay lang?"

Huminga ako ng malalim. "Ma.."

"I know. Alam ko naman ang tungkol sainyo. Sinabi naman sakin ni Julie."

Napatingin ako sakanya. "Alam niyo na po na.."

"Na nagkabalikan na kayo ng anak ko? Oo naman."

"Paano po?"

Natawa siya bigla. "Naalala ko noon na sinabi niya sakin na hindi na niya kakantahin ang deeper. Alam mo naman dedicated para sayo yun. Kakantahin nalang daw niya yun kapag pinagtagpo na ulit kayo ng pagkakataon. Isang araw sa bahay, narinig ko siyang nag pa-piano."

"Deeper?"

Tumango naman siya. "Tama. Napangiti nga ako ng malaki ng malaman ko na okay na kayo. Na pinagtagpo na ulit kayo ng tadhana. Na kayo parin pala talaga."

"Ma.."

"Elmo, anak ko. Marami ng nangyari sainyo ni Julie at sana natuto na kayo dun."

Tumango naman ako sakanya.

"Yes, Ma. Natuto na po kami."

"Good. Bakit nga ba ang bilis mong maglakad?"

Napayuko naman ako. Naalala ko nanaman yung nakita ko kanina. Yung ngiti niya habang kabulungan si Alden.

"Napadaan po kasi ako sa conference room kanina. Nakita ko si Julie na bumubulong kay Alden."

"Nagseselos ka nak? Hindi mo ba alam na nandito si Julie?"

Umiling ako. "Hindi po, Mama eh."

"Bakit naman? Hindi siya nagtext sayo?"

"Late na po siya nagtext eh."

"Ikaw naman anak. Wag ka ng masyadong seloso dyan. Ikaw ang pinili ng anak ko at ikaw ang mahal niya. Wala kang dapat ikabahala dun."

Tumingin ako kay Mama Marivic.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now