"Made Better"

9.7K 33 0
                                    

"Made Better"

This is it. I'll be working with him again. This day. This very moment.

"Juls."

Napalingon ako. "Bakit po, Papa?"

"You'll be working with him again. Feeling nervous?"

Nahihiya man akong aminin pero tama si Papa. Nahihiya ako kahit hindi ko naman alam kung bakit talaga ako nahihiya. Si Elmo kaya yan. Si Elmo lang yan. Si Elmo.

Tumango ako kay Papa. Nginitian niya ko. Ngiting nang-aasar tapos lumapit siya sakin. May kinuha siya bulsa niya.

"Ohh." Pinakita niya sakin.

"Po?" Nakakapagtaka. Bakit niya pinapakita yung susi ng kotse? Aalis na ba kami? Mamaya maya pa naman yun ah?

"Alam mo kapag kinakabahan ako nagmamaneho lang ako. Hindi ko nga alam kung san ako dadalin ng pagmamaneho ko basta ayun na. Nandun na ko sa isang lugar na pwedeng magpabawas ng kabang nadarama ko."

"Talaga po? Kelan naman po yan, Pa?"

"Nung kasal namin ng Mama mo." Ngumiti siya sa akin.

Nakwento sakin dati ni Papa na bago sila ikasal ni Mama sobra daw siyang kinabahan nun. Mahabang istorya ang lovestory nila at kinikilig talaga ako.

"So..pwede po, Pa?"

"Basta mag-iingat ka ah?"

Napatalon ako sa tuwa. First time niya kasi akong pagbigyan na magmaneho ng kotse na ako lang. Yung walang kasama. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Thank you, Pa. Thank you po."

Kumalas siya sa yakap namin. Bumulong siya sakin.

"Basta wag mong sasabihin sa Mama mo na pinayagan kita ah? Alam mo naman yun OA kung mag-react kapag malaman niya na pinayagan kitang umalis na ikaw lang."

Nagdalawang isip tuloy ako. Ayoko naman suwayin si Mama eh.

"Pa.."

"Ok lang basta ako na ang bahala sa Mama mo tsaka hindi ka naman mag-iisa eh." Nakangiting sabi ni Papa.

"Ano po Pa?"

Dahan dahan niya akong tinutulak palabas ng gate. Naka-park na yung kotse sa labas. Binuksan niya ito at pinapasok ako. Siya din ang nag seatbelt sakin.

"Enjoy lang, anak ah? Enjoy lang."

Parang may kilala ako na mahilig magsabi ng Enjoy lang ah? Erase na nga si Papa talaga pinag iisip nanaman ako.

"Opo Pa"

"Kita nalang tayo sa Tomas Morato. Dun nalang kita susunduin. Sasabihin ko nalang sa Mama mo na ako na ang maghahatid at susundo sayo. Hindi ko na muna siya isasama."

Tumango ako at ngumiti sakanya. Sinara na niya ang pinto. Binuksan ko ang bintana.

"Pa."

"Ohh? Umalis ka na at baka makita pa tayo ng Mama mo."

"Opo opo. Gusto ko lang po sabihin na..Mahal na mahal po kita. Thank you, Pa."

Ngumiti si Papa. "Mahal ka din niya."

Napakunot noo ako. "Niya?"

Natawa si Papa. "Haha! Ako ako." Turo niya pa sa sarili niya.

Umalis na ko at iniwan si Papa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"San naman kaya ako pupunta?" Tumingin ako sa daan. Nakita ko na malapit na pala magdilim.

"Alam ko na!" At nag drive ako papunta sa lugar na yun. Sana hindi ganun kadami ang tao. Gusto ko lang balikan yung lugar na yun.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now