"Part of You"

9.7K 11 0
                                    

"I Love You. It’s not to make you change. It’s not even to make you love me. It’s as pure and simple as that."

"Ang hirap maging parte ng mundo niya."

Ang tanging nasabi ni Julie sakanyang sarili habang siyang ay nakaharap sa salamin. Gulong gulo na siya sa mga nangyayari. Hindi lang yun pati na din sakanyang nararamdaman. Sa pagpasok niya sa showbiz ang pagkakaroon ng ka “Loveteam” ang hindi niya inaasahan. At ang mas lalong hindi niya inaasahan ay ang mahulog siya sa ka “Loveteam” niya. Wala yun sa plano. Walang wala.

"Julie, anak?"

"Papa? bakit po ? may kailangan po ba kayo?" agad niyang nilingon ang kanyang ama.

"Gusto sana kitang makausap. Pwede ko naman siguro masolo ang aking prinsesa diba?"Walang sabi sabi ay agad niyang nilapitan ang kanyang ama para yakapin. Kahit palagi niyang nakakasama ang Papa niya sa mga lakad niya hindi na nila nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng isang Ama at anak. Busy kasi siya masyado.

"Oo naman po, Papa. Ano po ba ang pag-uusapan natin?" ngumiti siya sakanyang ama.

"Mamaya na yung gusto kong pag-usapan natin. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay mamasyal kasama ka. Mapagbibigyan mo ba si Papa?"

"Naman Papa! ikaw pa! :) kahit gaano pa ako ka busy handa ko ipagpaliban yun basta makasama lang kita. Kayo ni Mama."

"Mabuti naman kung ganun. Tara punta tayo sa tagaytay." pag-aaya sakanya ng kanyang ama. Nagulat siyang nung una kasi napakalayo naman ata ng gustong puntahan ng Papa niya. At hindi rin niya maiwasan ang mag-isip tungkol sa gustong pag-usapan nila ng Papa niya.

"Sige po. Magbibihis lang po ako."

"Sige anak. :)" lalabas na ang kanyang ama.

"Uhmm Pa?" nilingon siya ng kanyang ama. "Kasama po ba natin sila Mama at yung mga kapatid ko?"

Ngumiti ang kanyang Ama sakanya at dahan dahang tumango. Napangiti nalang din siya tsaka nagbihis. Nang matapos siya agad siyang humarap sa salamin at kinausap nanaman ang kanyang sarili.

"Iwanan mo muna ang lahat ng iniisip mo Julie Anne. Iwan mo muna lahat. Kahit ngayon lang…" ngumiti siya at agad na bumaba.

Nakita niya ang dalawang kapatid niya na naghaharutan. Napangiti siya. Ang Mama naman niya ay naghahanda ng dadalhin sa pag-alis nila. Hindi niya alam pero parang pinaghandaan talaga ang araw na ito. Planadong planado.

"Ate Julie, laro tayo" sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Jac. "Oo baby, maglalaro tayo mamaya." ngumiti siya sa kapatid at inayos ang buhok nito na mukhang nagulo ata sa paglalaro nila ni Joanna. “Promise Ate?” tanong sakanya ni Jac. "Yes. I Promise." hinalikan niya si Jac at kinarga ito.

"Ready na ba kayo?" sabay pasok ng kanyang Papa. "Ok na yung kotse, nalagay ko na din yung mga kakailanganin."

"Jonathan, paki dala nalang itong mga gamit ni Jac dun sa kotse. Pati na din yung basket na puno ng pagkain." sabi ng kanyang ina na abala naman ngayon sa pag-aayos ng mga naiwan na kalat.

"Ok, sige. Kayong tatlo sumakay na kayo sa kotse at susunod na kami ng Mama niyo."

"Opo Papa." Sabay sabay nilang sabi.

Magkakatabi ang tatlong magkakapatid sa likuran. Nasa gitna ni Julie at Joanna si Jac. Tuwang tuwa si Jac dahil mamamasyal sila ngayon. Nakita niyang lumabas na ang Mama at Papa niya mula sakanilang bahay at agad na sumakay sa kotse.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now