"Soup"

10.1K 42 0
                                    

"Soup"

WHAT?

"Tito..." Parang nanghihina ako sa narinig ko. Napaupo ako sa sofa.

"Mosey? Son?" Si Mommy. Lumapit siya sakin.

"Son, anong nangyari?"

Tiningnan ko lang si Mommy.

"Sige po.." At malungkot kong binaba ang phone ko.

"Son?" Pag-uulit ni Mommy.

Napahawak ako sa mukha ko.

"Mom.."

"What happened?"

"She's sick. Nasa hospital siya...." Malungkot kong sabi.

Hindi nagsasalita si Mommy. Gusto kong puntahan si Julie. Si Tito ang tumawag sakin sabi niya sinugod si Julie sa ospital. Ang taas ng lagnat. Julie ko.

"Si Jonathan ba yung kausap mo kanina?" Tanong niya.

Tumango lang ako. Hindi ko pa din siya tinitingnan.

"Then go."

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko na nakangiti siya sakin.

"Mom.."

"Alam ko naman na hindi mo matitiis na hindi siya puntahan. Kapag binawalan kita ngayon sigurado ako tatakas ka makita lang siya."

Napangiti ako. "Mommy..." Niyakap ko siya.

"Ok lang naman sakin na puntahan p makita mo siya..iniingatan ko lang kayo sana maintindihan mo kung bakit binabawasan ko pagkikita niyong dalawa."

Tumango ako. "Thank you Mom."

"You know what? Ipagluto mo siya."

"Mom, wala na po akong oras. Gusto ko na po siyang makita."

Natawa si Mommy. "Anak, may lagnat lang si Julie. Relax ka lang. Naaalala mo nung may sakit din siya? Pinagluto mo kaya siya.."

Napaisip ako. Oo nga. Tiningnan ko kung ano oras na. 6pm. Maaga pa. May oras pa ko.

"Sige po magluluto ako para sakanya."

Ngumiti lang si Mommy sakin.

"Uhm, excuse me? Where's the room of Julie Anne San Jose?"

Tinitigan ako nung nurse.

"Relative po kayo?"

Ano bang isasagot ko? Naka shades kasi ako tapos cap. Balot na balot din ako kasi naka jacket ako. Naglagay din ako ng fake na bigote.

"Uhmm.."

"TITO EMONG!" May sumigaw. Napatingin kami nung nurse.

Jac?

"Hi Tito Emong! Bakit late ka?" Kumapit siya sa binti ko.

"Jac.." Ano bang sasabihin ko?

"Tito Emong, punta na tayo dun sa room ni Ate." Ngumiti siya sakin.

Pinagtatakpan niya ko sa nurse. Paano ako nakilala ng batang toh?

"Sige, tara na."

Tinawag niya yung nurse. "Miss! Tito ko po ito kaya pwede po siyang pumasok sa room ng Ate ko!"

Tumango naman yung nurse at ngumiti sa amin. Bago pa kami makaalis, tinawag ako nung nurse.

"Sir..."

Lumapit ako. "Yes?"

Bumulong siya sakin. "Ang gwapo mo sa Villa Quintana, lagi akong nanunuod nun eh. Pa pirma naman Isagani."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now