"This is Us"

1K 42 1
                                    


"This is Us"

"Are you happy, Son?"

Napatingin ako kay Mommy. Ngumiti naman ako sakanya at tumango.

"Yes Mom."

Ngumiti siya sakin. "Paano mo siya napapayag?"

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"She's very understanding, Mom. Alam ko na proud siya sakin."

"She is. You wanna see her?"

Napatingin ako kaagad sakanya.

"Talaga Mom?"

Tumango naman siya sakin. "Alam ko na sa mga oras na ito ang gusto mong gawin ay ang makita siya. Siya lang naman ang happiness mo eh."

"Happiness ko din kayo Mommy."

Pumunta kami sa bahay nila. Nasa tapat na kami nito.

"Text mo nalang yung driver kung magpapasundo ka. I-cancel ko nalang muna yung reservation natin sa isang resto."

"Po?"

"Celebrate with her and her family, Son."

Hinalikan ko kaagad sa pisngi si Mommy.

"Thank you Mommy."

Umalis na sila at nasa labas lang ako ng gate. Kumuha ako ng maliit na bato. Tumapat ako sa may bintana niya. Alam ko na nandito siya. Binato ko naman yun. Sana narinig niya. Ilang sandali pa ay nakita ko siya na sumilip. Napangiti ako.

"Moe?"

"Come down here!"

Tumango naman siya at bumaba. Binuksan niya ang gate. Simple lang ang suot niya. Sando at shorts. Sexy niya.

"Anong gina.."

Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya niyakap ko na siya kaagad. Hinalikan ko siya sa noo bago kumalas sa yakap namin. Nagtawanan kami pareho. Hinampas niya ko sa balikat ko.

"Hiyang hiya ako sa suot mo. Ang formal ah?"

Tumingin ako sa sarili ko.

"Pogi parin."

Natawa siya.

"Ikaw ba? Parang bagong gising lang ah?"

"Hindi naman."

"Nahihiya ka sakin eh ano pa ko? Naaakit ako sa suot mo."

Natigilan siya at bigla nalang namula. Natawa ako ng malakas. Pinagkukurot naman niya ko.

"Baliw ka!"

Hinawakan ko ang kamay niya. Naglakad lakad kami. Mabuti nalang talaga at hindi na mainit.

"So lumipat ka na talaga?"

Tumango naman ako. "Oo. Diba yun din naman ang gusto mo?"

Tumango siya sakin. Tumigil siya sa paglalakad.

"Hindi ko gusto na malayo ka sakin pero gusto ko na mag grow ka as an artist. Alam ko na magaling ka at kitang kita ang potential sayo. Ayoko na sayangin mo yun. Hindi man kita mapabalik sa pag-aaral at least kahit man lang dito diba?"

Huminga ako ng malalim. Inakay ko siya sa may swing doon. Umupo siya habang ako naman tinutulak siya sa likod.

"Okay lang ba talaga sayo?"

Hindi muna siya sumagot. Tahimik lang.

"Ang totoo? Hindi. Hindi ako okay para sa mga fans natin. Masasaktan sila lalo na at umaasa talaga sila."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now